Chapter 12 - I Had Fun

26.4K 348 31
                                    

"Nagkiss na kayo noh?" tanong ni Shibama habang ginagawa ang kilay ko.

Woah! Manghuhula ba o talagang mga mind reader lang ang mga tao dito sa Maynila? Papaano naman kaya nalaman ni Shibama na nagkiss na kami ni Sky? Nandun ba siya nung naganap yun? Waaa! Nakakakilabot naman!

"Hindi noh!" pagsagot ko. Salubong ang kilay ko para mukhang totoo. 

"Eh bakit namumula ka girl? Hihihi."

"Meztisa ako!!!"

"Hahahaha! Pero hindi nga? Anong base na ba kayo?" kilig na kilig na tanong niya. Base?

"Ha? Anong base?"

"Ano nga? Share naman dyan girl!"

"Anong base nga?!"

"Hindi mo talaga alam? Are you a noob?!"

"Bakit kita tatanungin kung alam ko, 'di ba?"

"Fine, noob! 1st base kapag nahalikan ka na niya. 2nd base kapag mga mamon mo na ang nahalikan o nahawakan niya. 3rd base kapag isinuko mo na ang Corregidor. Homerun kapag isinuko mo na ang Bataan!" kumekembot pa siya habang sinasabi niya. Yaaak!

"Waaa! Tumahimik ka nga! Baka marinig ka ni Papa! Bastos ka Shibs!!! Magsama kayo ni Sky!!!"

"Tsh! Di na ako maririnig ng papa mo kasi busy yun magimpake. Malalate na kaya siya sa flight niya sa pagbalik niya sa Bohol."

Oo nga pala. Babalik na si papa sa Bohol ngayon. Nakakalungkot lang isipin na aalis na siya agad.

Kaya ako inaayusan ni Shibama ngayon kasi ihahatid namin si papa sa airport! Hindi rin kasi siya pwedeng magtagal dito kasi may trabaho siya sa amin. Kapag nagtagal siya dito ay baka maging mas mahirap na kami sa daga.

Si Caloy naman, ayun pumasok nanaman ng pagkaaga aga sa trabaho niya.

"So ano ngang base? Hihihi." pagputol ni Shibama sa mga iniisip ko.

"Wala ngaaaa." inikot ko ang eyeballs ko.

"Weh!!!!"

"Eh ikaw? Bakit wala ka kahapon? Kasama mo daw boyfriend mo? May boyfriend ka na ba? O naghahanap ka palang? Ano? Ha?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Napatahimik siya sa mga tanong ko. Huli! Nagblush ang bruha! Nagsmile pa at biglang kuminang yung mga mata. Anak ng pasas. In love ang bading!

"Wag mo ngang iniiba ang topiclaloo kinikilig ako ee! Dapat ikaw yung kinikilig not me!" sinabi niya ng may halong landi.

"HAHAHA! Sino nga yang bagong papa mo? Dali na."

"No! Sabihin mo muna kung pang ilang base na kayo ni Sky!"

"Hindi! Sayo muna!"

"Sayo nga!!!"

"Sayo na kasi giiiiirl!"

"SAYO NA SABI E."

"Dali na giiiiirl!"

*DING DONG*

Natigil kami ni Shibama sa nagdoorbell. Sino naman kaya ang bibisita sa amin ngayon? Ito ang unang Sabado na may nagdoorbell sa amin simula nung tumira ako dito. Si Sky kasi ay Monday hanggang Friday lang nandito para ihatid sundo ako sa mga klase ko kaya imposibleng siya yan.

My Wacky Girlfriend (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz