Chapter 34 - So Dead

19.9K 252 67
                                    

A/N

Happy happy new year to all my dearest readers!!! Thank you for making my 2014 awesooome! Please be with me until the next year and many more years! I love you all! Mwaaaah! :*

This is my year-ender chapter. And it's back on Ynna's POV! Yay. :D Enjoy! I wraff you! :> Happiest 2015 to each and every one of you! :D See media for my handwriting! HAHAHA! With effort yan! :P

Theme song for this chapter is Maddi Jane's Secret! One of my faves too! Hope you like it! ;*

♥ Achi Mhariz

--

• ALYNNA MARIE PAREDES •

Date! Date! Date!

Naeexcite talaga kapag magde-date kami ni Sky. Kahit pa ilang beses na kaming nakapagdate noon, iba pa rin talaga kapag nagde-date kami ulit. Lagi kasing may bagong pasabog si Sky. Lagi nalang siyang may bagong surpresa sa akin. Lagi nalang niya akong pinapakilig. Mga tingin pa lang niya tunaw na tunaw na ako. Hay, buhay, sana talaga huwag nang matapos ang kasiyahan namin ni Sky. Sana lagi nalang ganito. Yung parang walang problema, walang hassle.

Narito kami ngayon sa La Fiesta Buffet sa Mall of Asia Sea Side. Talagang alam na alam ni Sky ang mga gusto ko sa buhay. Akalain mong dalhin ba nanaman ako sa isang Buffet na ubod ng sarap? Ang laki nanaman tuloy ng isinikip ng damit ko. Buti nalang talaga at hindi ako mahilig magsuot ng fit na damit. Kung hindi, kanina pa siguro pumutok yung suot suot ko sa dami ng kinain ko.  Bondat na ako e. Pero okay lang, at least busog. Busog lusog!

"You really like eating at Buffets huh?" simula ni Sky. Nakasmirk siya.

"Oo naman!" *Chomp* "Sarap kaya!"

"I love you, Ynna." Sabi niya sabay ngiti. Ang sweet! Biglang gumana nanaman yung mga electric wires sa katawan ko.

"I" *Chomp* "Love you" *Chomp* "Too." *Chomp* "hehe."

Kung papapiliin ako kung yung sweetness ba ni Sky o pagkain. Hindi talaga ako makapili kung ano ang aking uunahin. Kaya ayun, sinabay ko nalang. Hahahaha!

"You know what, I really really like you so much, Ynna."

"Like lang? Hindi mo na ako love?" tinigil ko na muna ang aking pagkain. Bakit like nalang niya ako? Oh no! May nagawa ba akong mali?!

"Of course I love you. But I like the way you are to me and to yourself."

"Ano? Di ko gets, Sky." Umiling ako.

"I like that you are just so you. You don't have to pretend to be someone else. You are simple but very pretty. You are the perfect girl I wanna marry someday."

Hindi ko sinasadya pero yung iniinom kong mango shake ay biglang nadura ko sa mukha ni Sky nang natapos niya yung sinabi niya. Buti nalang at naka-iwas siya kaya ayun, tumama doon sa lalaki sa likod namin. Patay malisya nalang kami kunwari hindi nalang namin alam kung nasaan nanggaling. Medyo galit kasi eh. Sana marealize niya na mango shake galing langit yun. Blessing ni Lord kumbaga.

Pero grabe! Nagulat talaga ako sa sinabi ni Sky. Nagustuhan daw niya ako kasi hindi daw ako nagprepretend? Hindi man lang niya alam na simula nung nakilala niya ako hanggang ngayon ay puro pagpapanggap lang ang pinapakita ko sa kanya. Parang bigla naman akong naguilty. Parang ang sama ko naman pala kay Sky. Hindi deserve ni Sky ang mga nangyayari sa kanya ngayon. Hindi niya deserve magkaroon ng girlfriend na tulad ko.

My Wacky Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon