Chapter 42 - Bad Luck

22.4K 354 138
                                    

A/N

Belated Happy Valentines day to all my readers! 370k reads!!! Whew!!! Thanks! And to all na nag-wish na sana magkawork na ako ulit, wish granted!!! Hihihi! Bilis! Ü This is my V-day chapter. (Valentines is not just about having dates with your romantic partner, it's also saying 'I love you' to your family members and loved ones.) I hope you'll like it. ♥

PS: Belated Happy Birthday to @jonalseven! ♥

--

• ALYNNA MARIE PAREDES •

Hindi ko alam kung anong pwersa ba o espirito ang sumanib sa akin pero bigla nalang akong nagtip-toe at ipinagdikit ang natitirang espasyo sa labi namin ni Sky. Hinalikan ko siya. Mababaw lang naman dapat ang gagawin kong halik kasi syempre kahit papaano ay nahihiya pa rin ako sa kanya. Pero nang akmang aatras na ako at magso-sorry na sana ako sa nagawa ko sa kanya ay doon naman niya hinawakan ang likod ng ulo ko at pinalalim ang halik na pinagsasaluhan namin.

Mabagal at punong puno ng pagmamahal ang halik namin. Nagsimulang gumalaw ang labi ni Sky na siya namang nasundan ko agad. Parang nagflash-back lang ako sa mga dati naming halikan. Alam at memoryado ko na yata ang labi niya. Napakatamis pa rin ng labi niya. Ito yung tipong labi na hindi ko kayang tanggihan.

Napapikit nalang ako at hinayaan mangyari ang mga dapat mangyari. Parang may sumasabog sa loob ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang beywang ko at ihinila palapit sa kanya. Napahawak naman ako sa dibdib niya. Hindi ko mapigilang hindi himas himasin ito. Napaka macho kasi talaga ni Sky. Gusto ko hawakan pati abs niya, pero hindi ako makaconcentrate dahil sa galing ng mga labi niya na humahalik sa akin. Nadadala niya ako. Parang wala nang ibang importante sa mundo bukod sa paghalik niya sa akin. Ganyan ang epekto ni Sky sa akin noon, at mas lalong naging malala ngayon. Parang lahat talaga ay handa ko nang ibigay sa kanya.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong kinagat niya ang ibabang labi ko. Nang wala akong ginawa ay kinagat niya ulit ito kaya naman ay napa-awang ang bibig ko. Doon ay dali dali niyang ipinasok ang dila niya sa bukanan ng bibig ko at nilaro ang aking dila gamit ang kanya. Sa mga oras na iyon ay alam kong wala na ako sa aking sarili. Nalunod na ako sa halikan namin ni Sky. Ipinaikot ko na ang aking mga braso sa leeg niya at tuluyang hinalikan siya ng buong puso. Sabik na sabik ako sa kanya at ramdam kong ganun din siya sa akin.

Nagtagal ang halik na iyon hanggang sa pareho na kaming naubusan ng hininga kaya naman ay lumayo muna kami sa isa't-isa. At doon ay naging awkward nanaman ulit ang lahat dahil wala man lang sa amin ang nangahas na magsalita. Nang naramdaman ko na hindi talaga niya sisimulan ang usapan ay nagsalita na ako.

"Ano? 50% na ba ulit?" nakangiti kong sinabi sa kanya.

"No." nagsmirk siya.

"Ha? Bakit naman! Ang daya mo naman!"

"Let's make it 60." Nakasmirk pa rin siya.

"Ah. Wow. Hehe. Okay. Okay." Medyo nahihiya kong sambit. Tumawa siya ng sinabi ko ito kaya naman ay napatawa na rin ako kasama niya.

"But don't be too confident. There's still 40% more." Sabi niya na nagpawala ng ngiti sa mukha ko. Oo nga pala.

"Ano pa ba ang pwede kong gawin para diyan sa 40%?" seryoso kong tanong.

"Nothing."

"Ha?! Paano naman kaya yun?!"

"You know what... I really like you." Sabi ni Sky na tila may ginagaya. Si.. si Dave?

My Wacky Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now