Chapter 17 - Perfect Wife

27.4K 399 62
                                    

A/N

Hello! Maraming nagasasabi na putol daw ang chapter na ito sa iba. Kung putol po ito sa inyo, pwede niyo po basahin yung complete chapter sa booklat acc. ko po. :) Here's the link: http://booklat.com.ph/story/6164 :3 Kung hindi naman putol, congratulations! Hindi ka naputulan! Lol. :P

--

*Mansanas, pantalon
at sapatos na balbon
Buong beerhouse nakalingon
Ay, nadapa! Bigla-bigla!*

Nagising ako sa paulit-ulit na pag-iingay ng alarm kong 'Low (Tagalog Version)' sa cellphone ko. Dali dali ko itong pinatay pero nang gumalaw ako ay nakaramdam ako ng sakit ng katawan. Aray. Masyado yatang grabe yung ginawang pagpasok ni Sky sa akin kagabi. First time ko lang iyon kaya naman hindi pa talaga ako sanay. Ganun pala ang feeling. Mixed emotions. Para akong sumakay sa roller coaster. Sobrang intense!!! Hindi ko lubusang maisip na nagawa ko iyon kasama si Sky. Grabe ka, Sky. Ikaw lang ang nakagawa sa akin ng ganito. Ikaw lang ang nakapagpapayag sa akin. Hindi kasi kita matanggihan. Isa kang beast.

Masakit ang katawan ko kasi natulog pala ako sa sofa ng kwarto ko. Ayaw ko naman kasing tumabi kay Sky kahit pa kama ko iyon. Kahit malandi ang isip ko ay matino pa rin naman ang katawan ko noh. Kaso natatakot ako na sa oras na tumabi ako kay Sky ay hindi ko mapigilan ang sarili kong amuy-amoyin siya. O kaya naman ay kurut-kurotin yung abs niya. Hehe.

Oo, grabe talaga yung pagpasok ni Sky sa kwarto ko kagabi. First time kong hindi makatulog sa tamang oras. Mixed emotions kasi ang dami masyadong nangyari. Roller coaster kasi nahihilo talaga ako sa mga problema ko. Intense kasi hindi ko alam ang solusyon dito. Hindi ko lubusang maisip na magagawa kong saktan si Sky balang araw. Grabe ka, Sky, hindi ko na alam ang gagawin sa iyo. Sa atin. Isa kang beast. Pero mas malala yata ako.

Tinignan ko ang kama ko at nakita ko si Sky na nakahilata at natutulog pa din doon. Ni hindi man lang siya nagising sa maganda kong alarm. Nakatalikod siya at nakabukaka habang nakataas ang dalawang kamay niya. Para siyang starfish.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at sinuring mabuti ang kanyang mukha. Ang gwapo gwapo pa rin niya kahit natutulog siya. Para siyang anghel. Marahan kong hinaplos ang kilay niya, ang ilong niya hanggang sa malambot niyang labi. Hindi ko alam pero bakit kahit natutulog siya ay nararamdaman ko pa rin itong parang kung anong umiikot sa tiyan ko. Si Sky lang talaga ang nagpaparamdam sa akin nito. Kakaiba.

*Mansanas, pantalon
at sapatos na balbon
Buong beerhouse nakalingon
Ay, nadapa! Bigla-bigla!*

Mamaya konti ay biglang nag-alarm nanaman yung cellphone ko. Nag-aalarm kasi yun every 30 minutes. Grabe! Ano yung ginawa ko ng 30 minutes? Tinignan ko lang naman at hinawakan ang mukha ni Sky ah. Ganun ba ako katagal tumitig? Walastik! Adik na ba ako?

Tinignan ko ang orasan at nakitang 12:30 PM na pala! Tanghali na! Malamang. Umaga na kasi ako natulog eh. Halos limang oras lang pala akong nakatulog. Si Sky naman, mukhang mamaya pa talaga ito magigising. Plakda eh.

***

Naligo ako ng mabilisan at lumabas na ng kwarto ko. Nakita kong nakahain na ang lunch. Kitang kita ko rin ang galit na mukha ni Shibama. Matalim ang mga titig niya sa akin. Para niya akong papatayin. Nalaman kaya niyang nasa kwarto ko si Sky? Tss. Malamang. Lagi naman kasi akong sinisilip ni Shibama para malaman kung me-make-upan na niya ako eh. At halatang halata na din kasi dahil hindi ako nakapagbreakfast kasama siya.

"Saan ka galing?" panimula niya. Lalaki ang boses niya ngayon. Lalaking lalaki! Nakakatakot! Para siyang goons sa mga pelikula!

"Shibs... Magpapaliwanag ako." umiling ako.

My Wacky Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon