Chapter 25 - Superwoman

Start bij het begin
                                    

Marahang lumapit ang ulo niya at bigla nalang niya akong hinalikang muli. Malalim agad ang mga halik niya kaya naman ay nagulat ako. Naitulak ko siya pero mahina lang naman.

"Sky... Baka may makakita sa 'tin. Nakakahiya na." pabulong kong sinabi.

"Aren't you proud of me?"

"Sky, hindi sa ganon. Nakakahiya lang talaga. Alam mo yun... Ano kasi... PDA..."

"I'll kiss you anytime I want starting tonight."

"Sky!" pagsaway ko. Ngumiti nanaman kasi siya nung parang manyak na ngiti!

"So you are my girlfriend now. For real."

"Sinong nagsabi sayo?" tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" kunot noo niya akong tinanong.

"Kailangan mo muna akong ligawan." medyo pakipot kong sinabi. Try lang. Hehe. Maganda naman make up ko ngayon e.

"Nah. There's no need to court you. It's written on your face that you are too in love with me. In fact, we already kissed 5 times." sabi niya. Engk. Hindi man lang gumana pakipot ko. Che! Sige na nga, kami na nga agad! Hehehe. Arte ko pa kasi eh! Pero yung totoo, binibilang ba niya yung mga kiss namin?! Hindi ko nga alam na nakakalima na kami!

"Oo na tayo na." nakangiti kong sinabi.

"I know." nagsmirk nanaman.

"Pero Sky..." panimula ko.

"What is it?"

"B-Bakit hindi ka galit sa akin? Di ba nakita mo kami ni Caloy na magkayakap nung gabing iyon? Bakit hindi ka man lang nagalit sa akin?" nagtataka talaga ako.

"Ah. That one. I didn't walk out that night. I heard you said you love me. And so I made plans for you to say what you feel for me too. Hence, the blindfold party."

ANO DAW?

Narinig pala ni Sky na mahal ko siya! Ibig sabihin narinig din niya yung pag-aaway namin ni Caloy! Hindi naman niya siguro narinig yung tungkol sa tunay kong pagkatao noh? Kasi kung narinig niya yun, panigurado galit siya sa akin. O kaya naman... Hindi kaya tanggap na niya ako bilang ako? Waaaa! Ano ba?!

Pero grabe! Nahihiya ako! Nahihiya ako dahil narinig ni Sky na ipinagsigawan ko sa mukha ni Caloy na mahal ko siya. Kaya pala ang lakas ng loob niyang halikan nalang akong bigla dahil alam niyang pareho na kami ng nararamdaman.

Edi ibig sabihin tama nga yung hinala ko kanina na pinlano ni Sky ang lahat ng ito? So pakipot at karengkeng lang niya yung hindi niya pagsagot sa mga tawag at texts ko? Pati na rin yung pagdedeadma niya sa akin nung party? Aba bruhildo 'to ah! Pwede na siyang maging artista sa galing niyang umarte!

"You're blushing." nakangiti siyang sinabi.

"Ikaw kasi eh!" pinalo ko siya. "Eh bakit hindi mo ako sinasagot sa mga tawag ko?! Pakipot ka ah! Feeling mo!"

"Para malaman ko kung mahal mo talaga ako."

"Tss! So hindi pa pala sapat yung narinig mo?! Ipinagtanggol at ipinaglaban nga kita sa best friend ko eh!"

"I know. I know." tinaas niya ang mga kamay niya.

"Tss." tinalikuran ko siya pero nakaupo pa rin ako sa swing katabi niya.

My Wacky Girlfriend (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu