Chapter 24 - Risked

Start from the beginning
                                    

[Duh! It's family bar! Hindi mo na ba naaalala?]

"Ay haha! Oo nga pala! Pero okay lang kaya yun?" ano ba itong mga sinasabi ko! Parang wala namang kwenta!

[Well, wala silang magagawa! It's ours! Hahaha! See you tomorrow, pretty Ynna! Bye!]

"B-Bye..."

Hay. Kanina lang ay umiiyak ako dahil nag-away kami ni Caloy at dahil nagalit si Sky tapos bukas, magpaparty na ako? Kumusta naman iyon? Parang hindi magandang kombinasyon yun ah. Baka isipin pa ni Caloy at Sky na binabalewala ko lang ang mga tampuhan ko sa kanila. Ay ewan! Tapos kasabay pa ng alumni party ang birthday ni Debbie. Malamang ay makikita ako nila Ash. At posible rin kayang naroon bukas sila Sky? Siguro ay invited din siya kasi balita ko  ay nagkakamabutihan na si Dwight at Debbie eh. Tama! Bukas na siguro ang tamang pagkakataon para humingi ako ng tawad at ipaliwanag ang lahat kay Sky!

Lord, pagbatiin mo na kami please.

***

Kinabukasan ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Caloy simula almusal hanggang hapunan. Alam kong nararamdaman na ni Shibama na may alitan sa amin ni Caloy kaya naman ay pinapunta na niya ako sa kwarto para ayusan na niya ako sa party na dadaluhan ko mamaya. Siguradong magtatanong na din siya sa kung anong nangyari.

"Anong meron, girl?!" bungad niya. Sabi ko na nga ba.

Hindi na ako nagdalawang isip pa kung sasabihin ko ba kay Shibama o hindi. Alam mo sa sarili ko na wala akong karapatan magtago ng kahit ano kay Shibama.

"Shibs... Nalaman na ni Caloy ang lahat. Naririnig pala niya ang mga away namin noon ni Sky sa kwarto. At nakita din niya kami na pumasok sa condo nung nabasa kami ng ulan."  pag-amin ko.

"Oh my gosh! Kaya pala mr. Sungit ang peg niya kaniner!!! Hayaan mo siya! Che!" umirap siya.

"Hindi lang yun, Shibs. Naabutan kami ni Sky na magkayakap ni Caloy kagabi. At sinabi pa ni Caloy na boyfriend ko siya at hindi bestfriend. Kaya naman---" hindi na niya ako pinatapos.

"Nagalit si papa Sky?!?!" nanlaki ang mga mata niya.

"Oo."

"Oh no!" nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Shibs..." nanggigilid nanaman ang mga luha ko.

"Later! Later yung party ni Debbie right?! Go talk to papa Sky na and explain everything! It will be alright, girl!" sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.

"Sana nga nandun siya. At sana kausapin niya ako. Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko at ang mga texts ko eh." nagaalala kong sinabi.

"Wow ha! Chics siya ah! Pakipot lang yun! Babatiin ka din nun! Try mo lumapit sa ibang boys later sa party. Siguradong magwawala nanaman yun. Baka magmacarena ulit! Hahahaha!" tawang tawang sinabi ni Shibama. Pinapalo-palo pa niya yung make-up table.

Ngumiti nalang ako ng mapait. Hindi ko pa yata kayang tumawa kung punong puno ng pag-aalala kay Sky ang nararamdaman ko.

"Shibs... Pasensya na ha. Nadadamay ka pa tuloy." sabi ko. Niyakap niya ako.

"Ano ka ba, girl. Okay lang ako. All I want is for you to be happy. Life is too short to hold back feelings. Kung mahal mo at mahal ka, then go! Hindi lahat ng tao ay mutual ang feelings for each other. Kaya kapag binigyan ka ng chance ni Lord, gora na! It might not happen again!"

My Wacky Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now