Chapter 16 - Revelations

Start from the beginning
                                    

Pero posible kayang magkamaganak sila?

Kaya ba si Ash lang ang nakapagpatigil kay Sky? Kaya ba si Ash lang ang may kakayahang suntukin si Sky? Kaya ba si Ash ang tinawagan nila Erick at Dwight?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nagtanong na ako.

"A-Anong apelido ni Ash?" bulong ko kay Erick.

"Anderson." mabilis niyang sinagot. Napanganga ako sa nalaman ko. Confirmed.

"I forgot to introduce myself. I am Ash James Anderson. Sky's older brother." biglang pagsingit si Ash sa usapan namin ni Erick. Napanganga ako lalo nang nalaman ko na hindi lang sila magkamag-anak, magkapatid pa sila! Double nga nga!

"Ako na ang kukuha ng drinks. Mahaba habang usapan ito!" tumayo si Dwight at bumaba na sa bar.

Mahabang usapan? Bakit?

***

Kung kanina ay double nga nga lang ako. Imaginin niyo nalang kung gaano na kalaki yung pagkanganga ko ngayon sa mga nalaman ko. Kaya ko na yatang lunukin yung buong globo sa gitna ng MoA!

Kinwento na kasi nila sa akin ang lahat lahat.

Unang una, magkababata pala si Sky, Dwight at Erick. Kaya pala parang ang tibay ng samahan nilang tatlo sa school. Alam nila ang mga sikreto at kahinaan ng isa't isa.

Pangalawa, napag-alaman ko na hindi mabuti ang relasyon ng magkapatid na Anderson. At yung dahilan? Si Farrah. Ayaw talaga daw ni Ash kay Farrah. Alam daw ni Ash na niloloko at ginagamit lang nito si Sky. Pero itong si Sky naman daw, nagpapaloko dahil patay na patay siya kay Farrah.

Pangatlo, si Dave. Si Dave na tunay na mahal ni Farrah. Si Dave na mortal na kaaway ni Sky. Si Dave na iniwan ni Janina para sa kanyang pangarap. Siya ay miyembro din pala ng The Vengeance. At higit pa doon, si Dave ay matalik palang kaibigan ni Sky noon. Pero pinutol nila ang pagkakaibigan dahil kay Farrah. At mas lalong lumala nang umalis si Janina.

Ako ang pekeng girlfriend ni Sky ngayon. Mahal ni Sky si Farrah. Mahal ni Farrah si Dave. Mahal ni Dave si Janina na ginagampanan ko ngayon! Hala ka! 

YNNA ↔ SKY ↔  FARRAH ↔ DAVE ↔ JANINA

Ang gulo! Nahihilo ako! Pero isa lang ang malinaw sa akin, mas lalong nakagulo ang naging presensya ko. Kung wala ako, kung walang nagpapanggap na Janina ngayon, mas maayos sana. Mas konti sana ang problema nila. Isa akong malaking panggulo.

"Ynna" pagputol si Erick sa mga iniisip ko. "May isa ka pang dapat malaman."

Tumango ako at hinintay ang sasabihin niya.

"Mahal mo ba si Sky?" tanong ni Ash sa akin nang diretso. Ang hilig talaga niya sumingit sa usapan namin ni Erick. Kumalabog ang puso ko dahil baka may nakarinig sa tanong niya.

Tinignan ko ang ibang Vengeance at nakita kong may sari-sarili na silang ginagawa. Buti naman.

Si Dwight ay tulog na din katabi ni Sky. Mag-uumaga na din naman kasi. Ang lakas ng hilik nilang dalawa.

Si Chase ay nagtetext pa din at naka serious face pa din. Yung itsura niya parang laging may pinagdadaanang malaking problema.

Si Clyde inaayos niya yung buhok niya. Nagtatanggal yata ng kuto. O baka pinapakain niya yata. Hindi ko alam. Basta, busy din siya.

Si King naman ay nagseselfie. Ay, ano ba yun, katurn-off. Selfie lord pala. Ang akala ko vain lang. Di kaya bakla ito? Magsama sila ni Shibama.

Si Viel naman, nakikipagsayaw na sa mga babae sa bar. Ang akala ko ay may girlfriend siya? Naka-couple shirt siya ah! Salawahan!

My Wacky Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now