Chapter 12 - I Had Fun

Start from the beginning
                                    

"Sino kaya yun?" tanong ko kay Shibama.

"No idea akey!"

"Ah! Baka yung mystery boyfriend mo!!!"

"Of course not!"

"Weh?" tinaas-taas ko ang kilay ko.

Tumakbo ako papunta sa pintuan ng kwarto ko para malaman kung sino ang nagdoorbell pero hinabol ako ni Shibama at hinila niya ang bewang ko palayo at syempre, una siyang nakalabas. Macho eh! Malakas siya kasi hindi naman talaga siya tunay na babae e! Lalaki pa rin siya kaya mas malakas talaga siya! Madaya!

Paglabas ko ay aasarin ko pa sana si Shibama pero nagulat ako sa reaksyon ng mukha niya. Mukha siyang gulat na gulat sa nakita niya.

Sinundan ko ang direksyon kung saan nakatulala si Shibama at...

BOOM.

Nakaupo sa sofa ay si Sky Anderson na kausap si Peter Paredes.

Patay kang bata ka. Anong gagawin ko? Baka sabihin ni Sky kay papa na boyfriend ko siya! Baka malaman niya na papa ko si papa. Waaaa! Ano bang pinaguusapan nila at bakit seryosong seryoso ang mga mukha nila!!!

"Shibs! Anong gagawin natin?"

"I really don't know too!!!"

Nagkatinginan nalang kami ni Shibama. Hindi talaga namin alam ang gagawin.

"Andyan na pala ang pamangkin ko." sabi ni papa sabay lapit sa akin. "Binibisita ka daw ng boyfriend mo."

Pamangkin?! Boyfriend?!

KILL ME NOW.

"Ahh.. Eh..." waa! Anong sasabihin ko? Waaaa! Sky naman eh! Bakit ka ba kasi nandito?!

Hinawakan ni papa ang kamay ko at pinaupo katabi ni Sky. Waaaa! Lupa oh lupa! Kainin mo na ako parang awa mo na!

"Bagay na bagay nga kayo." - papa

"Really? Thanks tito." - Sky

TITO?!?!

"Saan nga pala kayo pupunta?"

"We're going to have a date."

DATE?!?!

"Nice. Aalis na din ako dahil may flight pa ako. Pero Sky iho, kakausapin ko lang sandali si Ynna ha?"

NICE?!?! KAKAUSAPIN AKO?!?!

"Sure tito." magalang na ngumiti si Sky.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang papalapit na si papa papunta sa kinatatayuan ko at ni Shibama. Tinignan ko si Shibama para manghingi ng tulong at payo pero wala na siya sa tabi ko!!! Nakita kong nasa pinto na siya banda at nag-titiptoe pa para hindi namin malaman ang pagalis niya!!! Kainis talaga! Tinatakasan niya ako at iniiwan niya ako sa mga ganitong sitwasyon! Bakla ka!!!! Humanda ka sa akin!!!

"Pa..." mahina kong sambit. "Magpapaliwanag ako."

"Wala nang oras anak. Aalis na ako." Seryoso si papa.

"Pa, wag ka magalit may paliwanag ako."

"Anak, hindi ako nagagalit. Oo, nagtatampo ako sayo kasi nasa iyo na ang lahat ng oras para sabihin mo sa akin kagabi ang lahat nang tungkol dito pero hindi mo ginawa. Pero pinagkakatiwalaan kita at alam kong may sapat na dahilan ka kung bakit mo nagawa ito. Alam mo rin naman na may kontrata ka kay Janina na bawal umibig hindi ba?" tumango ako.

My Wacky Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now