Chapter 52

3.9K 50 1
                                    

"Honey, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Honey, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?"

"Bitawan mo 'ko! Leave me alone!" sigaw ni Vera kay Greg.

Gabi noon sa America at kauuwi lamang ni Greg galing sa trabaho nang makita niyang umiiyak ang asawa habang nakaupo sa sahig ng kusina.

Nang lapitan niya ito ay bigla na lamang itong nagsisigaw sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Leave me alone!"

"Hindi kita maintindihan, honey."

"I said, leave me alone!"

"May nagawa ba akong kasalanan? Tell me! Hindi iyong ganitong sinisigawan mo kaagad ako."

Seryosong tumingin sa kanya si Vera. Then, may tumulong luha sa mga mata nito. "You made me believe na ako lang ang mamahalin mo habang buhay, pero pinagtaksilan mo ako! Bakit mo nagawa sa 'kin 'yon? Bakit dito mo pa ginawa sa pamamahay natin ang kababuyan nyo ng kalaguyo mo!?"

"What!? What are you talking about!?"

Nabigla si Greg sa sinabi ng asawa. Wala siyang kaalam-alam sa ibinibintang nito.

"Ako? May kalaguyo? Ano ba'ng kabalbalan itong pinagsasasabi mo!?"

"Liaaar!" Tumayo si Vera at ipinakita ang mga pasa sa kanyang braso. "Matapos kong hayaan na saktan mo 'ko sa tuwing uuwi kang lasing dito, hindi ko akalaing magagawa mo sa 'kin 'yon! Ginawa ko ang lahat para maging mabuting asawa sa 'yo, pero ginago mo 'ko!"

Doon na nagduda si Greg sa ikinikilos ng asawa. Nakaramdam siya ng kaba at dahan-dahan siyang humakbang paatras kay Vera.

"Naririnig mo ba ang pinagsasasabi mo? Wala akong alam sa mga ibinibintang mo. Hindi kita magagawang saktan, pati na rin ang mambabae. Alam mo kung gaano kita kamahal, Vera!"

"Sinungaling" Nilapitan siya ni Vera at pinaghahampas siya nito sa dibdib. "Wala kang kasing sama, Greg! Napakataksil mo! Taksil ka, Greg! Taksil kaaa!" sigaw nito habang umiiyak.

Dahil sa pangyayaring iyon, naisipan ni Greg na ipakonsulta ang asawa sa kanyang kamag-anak na psychiatrist na si Jerry Claros. Doon niya nalaman na may problema pala sa pag-iisip ang asawa.

"Napag-alaman ko kay Vera na kasama pala siya sa isang car accident noon. Namatay ang kanyang mga magulang at siya lamang ang nabuhay," sabi ni Jerry.

"Naikuwento niya nga sa 'kin iyon noon. May koneksyon ba iyon sa nangyayari sa kanya ngayon?"

Tumango si Jerry.

At napaiyak na lamang si Greg sa sandaling iyon.

Awang-awa siya sa kalagayan ng asawa at halos madurog ang kanyang puso sa nalaman.

"Ayon sa tests na isinagawa namin, napagalaman na mayroon na siyang bipolar psychosis noon pa man. Lumala ito nang magkaroon siya ng head trauma sa isang car accident noon. May mga bagay siyang nakikita na hindi naman totoo o gawa-gawa lamang ng kanyang isipan. Puwede rin niyang saktan ang sarili at ang ibang tao dahil sa psychosis."

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon