Chapter 33

4.3K 54 8
                                    

"Kailan nyo ba balak gawin ang apo ko?" seryosong tanong ni Miranda kay Francine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kailan nyo ba balak gawin ang apo ko?" seryosong tanong ni Miranda kay Francine. Abala silang dalawa ni Yaya Seba sa paghahanda ng dinner sa kusina habang si Francine naman ay nanonood sa kanila't umiinom ng orange juice.

"Mommy..." Muntik nang masamid si Francine sa iniinom niyang orange juice. "Ano ba naman 'yang tanong mo?"

"Oh, may masama ba sa tanong ko?" Nagkatinginan muna sila ni Seba bago ibalik ang tingin sa anak. "Aba, Francine. Kailan nyo pa ba balak magkaanak ni Miggy? Kapag wala na ako sa mundong ito? Gusto ko namang maenjoy ang magiging apo ko habang malakas pa 'ko."

"Mommy, hindi pa po kami ready ni Miggy."

"Anak, mas maganda iyong habang bata ka pa e makapagbuntis ka na. Mahirap na magbuntis kapag nagkakaedad na. Ayaw ko lang naman na maging problema nyo pa 'yan pagdating ng panahon."

"Oo nga naman, Francine," pagsang-ayon ni Yaya Seba.

Naisip tuloy ni Francine na masyado na siyang nagiging maramot kay Miggy. Matagal-tagal na rin ang panahon na ipinagkakait niya rito ang karapatan na maibigay ang kanyang pagkababae, kahit na mag-asawa na sila. Ano pa ba'ng dapat niyang hindi ika-handa sa sex?

"Kung ako sa inyo ay gumawa na kayo ng bata ngayon din!" diretsahang pagkakasabi ni Miranda. Saktong narinig naman iyon ni Vera na kararating pa lang sa kusina. Nagulat ito at biglang nabitawan ang hawak-hawak na babasaging baso ng juice.

"Ayyy!" sigaw nito.

Nagulat sila kay Vera. Dali-dali namang nilapitan ni Francine ang kaibigan. "Ayos ka lang ba, bessy?" pag-aalala nito.

"Sorry! Hindi ko sinasadya!"

"Ayos lang." Inutusan ni Francine si Yaya Seba. "Yaya, pakiligpit naman po nito, oh."

"Yes, Ma'am," sagot ni Yaya Seba.

Nakaramdam ng inis si Miranda. Inihinto niya ang ginagawa at humarap kay Vera. "Sa susunod naman ay mag-iingat ka. Hindi mo ba alam na mahal 'yang baso na binasag mo? Mahal pa 'yan sa kaluluwa mo. Nakikituloy ka na nga lang dito, nagbabasag ka pa."

"Mommy!" bulalas ni Francine.

"Tama naman ang mommy mo, e. Ang clumsy ko kasi at hindi kasi ako nag-iingat."

"Mabuti naman at alam mo," inis na sagot ni Miranda. 

Pagkuwa'y binitbit na nito ang tray na may lamang pagkain at iniwan na ang magkaibigan sa kusina.

Nakaramdam naman ng galit si Vera sa sandaling iyon, ngunit hindi niya iyon ipinahalata kay Francine.

Magkaanak? Hindi puwedeng mangyari iyon!

Biglang nag-flashback sa kanya ang mga pinagsasabi niya kay Miggy. Nangyari ito noong araw na tuluyan nang nahulog ito sa kanyang bitag.

"Hindi ba't napakasarap sa pakiramdam na makaganti ka sa asawa mo? If I know, kaya hindi ka niya magawang pagbigyan sa kama ay dahil ayaw niyang malaman mo na naibigay niya na ang pagkababae sa Raymart na iyon. Napakataksil talaga niya," sabi ni Vera habang magkatabi sila ni Miggy sa kama nang araw na iyon.

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon