Chapter 24

5.3K 56 4
                                    

"Babe, hindi na pala ako makakasama sa libing ni Charity

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Babe, hindi na pala ako makakasama sa libing ni Charity. Ayaw na kasi akong payagan ng boss ko na mag-leave. Marami raw siyang ipagagawa sa 'kin ngayon," sabi ni Miggy kay habang kaharap ang laptop.

Kasalukuyan kumakain ng breakfast ang mag-asawa. Pagkatapos nilang kumain ay saka aalis si Francine. Nakabihis na ito ng puting blouse at pantalon na napag-usapang isusuot sa libing.

"Okay lang, babe. Ang mahalaga naman ay nakiramay ka noong isang araw. Kami na lang ni bessy ang pupunta."

"Okay, abe," nakangiting sagot ni Miggy.

"Ah, bessy..." Napalingon ang mag-asawa nang dumating si Vera sa kusina. Katatapos lang nitong maligo at hindi pa nakagayak ng pang-alis. "Parang masama yata ang pakiramdam ko."

"Patingin nga?" Tumayo si Francine at idinampi ang kamay sa ulo nito. "May sinat ka, ah. Bakit ka pa naligo?"

"E, hindi ba't sasama ako sa libing?"

"Huwag ka nang sumama kung masama ang pakiramdam mo. Baka lumala pa iyan sa paghahatid natin ng kabaong sa sementeryo. Lalakarin pa naman natin iyon sa initan."

Nagkatinginan sina Vera at Miggy. Para bang nangusap ang kanilang mga mata sa sandaling iyon.

"Are you sure? Sinat lang naman ito, e."

"Oo, magpahinga ka na lang. Kaya ko namang mag-isa." Iniusod muna niya ang upuan at pinaupo ito. "O, kumain ka muna kahit na kaunti. Pagkatapos ay uminom ka ng gamot. Ikukuha kita sa medicine cabinet."

"Salamat, bessy."

Nang iwan sila ni Francine ay nagkatinginan ulit ang dalawa. Binigyan ni Vera ng mapaglarong ngiti si Miggy. Si Miggy naman ay tumingin lang sa kanya at itinuon muli ang atensyon sa laptop habang nagkakape.

Then suddenly, dahan-dahang naglakbay ang paa ni Vera sa hita ni Miggy. Bahagyang napapitlag naman si Miggy sa kanyang kinauupuan.

"Vera, hindi mo ba nakikita na nagtatrabaho ako?"

"Ikaw naman, parang naglalambing lang naman ako." Ikiniskis niya ang paa sa hita nito. "Masaya lang ako dahil maiiwan na naman tayong dalawa rito sa bahay. Masosolo na naman natin ang isa't-isa."

"Sigurado ka ba talagang masama ang pakiramdam mo o nagkunwari ka lang para hindi makasama sa libing?"

"Bakit? Hindi ba obvious?" Natawa si Vera. "Huwag kang mag-alala, punung-puno ako ng energy para sa ating dalawa mamaya."

"Marami pa akong kailangang gawin."

"Sigurado ka? Baka mamaya ay hindi mo na naman ako matanggihan, ah." Mapang-akit niyang panunukso at kinindatan pa niya si Miggy.

Pagkuwa'y ibinaba kaagad ni Vera ang paa nang bumalik si Francine.

Ipinatong ni Francine ang gamot sa lamesa. "O, heto. Siguraduhin mong iinumin mo 'to, ah. Aalis na ko." Humalik siya sa pisngi ni Vera. Lumapit din siya sa asawa at hinalikan din ito. "Ilagay nyo na lang sa lababo iyong mga pinagkainan. Mamaya ko na lang huhugasahan ang mga 'yan pagkarating ko."

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon