Chapter 35

4.3K 47 3
                                    

Madaling-araw nang maalimpungatan si Francine sa pagtulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Madaling-araw nang maalimpungatan si Francine sa pagtulog. Nang imulat niya ang mga mata'y nakita niya ang sinag ng buwan sa bintana na nagbibigay liwanag sa kanilang kuwarto. Katabi niya si Miggy at nasa kahimbingan pa ito ng pagtulog.

Nang bumangon siya ay may napansin siyang hugis tao na nasa madilim na sulok. Nagsimula itong umungol... at bigla na lamang itong umiyak na nagbigay ng kaba sa kanyang dibdib.

"Babe...?" Niyugyog niya ang asawa para gisingin. "Babe, gumising ka."

Ngunit hindi ito nagising. Takut na takot siya sa sandaling iyon dahil naisip niya na baka isang nakakatakot na nilalang o baka naman magnanakaw ang naroroon.

"S-sino ka? Ano'ng ginagawa mo rito sa kuwarto ko!?" matapang niyang tanong.

Ngunit hindi ito sumagot, bagkus ay mas lumakas pa ang pag-iyak nito't doon nya napansin na tila isang babae iyon.

Nanginginig na dinampot niya ang naka-display na baseball bat sa gilid ng telebisyon na ibinigay pa sa kanya ni Miggy noong highschool. Naisip niya na maaaring makatulong iyon bilang proteksyon.

Pagkatapos ay dahan-dahan niyang nilapitan ang babaeng umiiyak sa sulok.

"S-sino ka? Magsalita ka!" nautal at kabado niyang tanong. Nangatal na rin ang kanyang mga tuhod habang papalapit sa umiiyak. "Magnanakaw ka, ano? Magsalita ka kundi ay hahampasin kita nitong baseball bat!" Pananakot niya, pero nagpatuloy pa rin ito sa pag-ungol at pag-iyak.

Nang ilang hakbang na lamang siya ay naisipan niyang gamitan na ito ng baseball bat.

"Ayaw mo'ng magsalita ah!? P'wes, itong dapat sa'yo!" Ihahampas niya na sana iyon nang biglang hawakan nito ang baseball bat at hilahin siya. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

"Mag-iingat ka, Francine! Mag-iingat ka!"

Nasinagan ito ng buwan at bumulaga sa kanya ang mukha ni Charity na galit na galit at parang bangkay na sa pagkaputla. Nanghilakbot siya at nagsisigaw.

Ahhh!



"Babe? Babe!" sambit ni Miggy sa pangalan ni Francine habang ginigising ito. Nagising siya nang biglang nagsisisigaw ang kanyang asawa. "Babe, gumising ka! Babe!"

Kaagad namang narinig siya ni Francine at hinihingal na bumangon sa kama. Pawis na pawis ito sa sobrang takot.

"Babe, binabangungot ka."

"C-charity..."

"Sandali't ikukuha kita ng tubig." Pagkakuha ng tubig sa mini fridge ay iniabot niya kaagad iyon sa kanya at ipinainom. "Heto, uminom ka muna ng tubig para mahimasmasan ka."

Sumunod naman si Francine.

Pagkainom ay doon na niya napansin na umaga na pala. Alas otso y media na nang makita niya ang wall clock.

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon