Chapter 29

4.5K 45 9
                                    

"O, Raymart

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"O, Raymart. Napatawag ka?" Katatapos pa lang magbasa ni Francine ng libro nang tumawag ito. Alas dose na iyon ng hating gabi. Katabi niya si Miggy at nasa kahimbingan na ito ng pagtulog.

"Pasensya na kung naabala kita. Natutulog ka na ba?"

"Hindi pa. Matutulog pa lang ako. Katatapos ko lang kasing magbasa nitong librong nabili ko online."

"Gano'n ba?" Nag-isip muna ito ng sasabihin bago muling magsalita, "Siya nga pala, gusto ko lang sanang itanong  sa iyo kung okay na ba iyong wedding album nina Mr. and Mrs. Vallejo. Natapos mo na ba ang editing at design no'n?"

"Naku, oo nga pala! Natapos ko na iyon at nakalimutan kong i-chat sa 'yo. Medyo marami kasi akong ginawa kanina kaya nakalimutan ko nang sabihin."

"Ayos lang. Hindi naman nagmamadali iyong mag-asawa. Mabuti nga 'yan dahil maagang natapos. Printing na lang ang kulang. Natapos na rin kasi nina Jasper at Marco ang editing ng video coverage."

"So, ibig sabihin ba nito ay malapit na naming makuha ang suweldo?" pabirong pagkakatanong ni Francine.

"Oo. Pagkabayad ng mag-asawa ay ibibigay ko na sa inyo."

Then, nagtawanan silang dalawa.

"So, ano? I-send mo na lang sa cloud ko iyong files, ah."

"Kung gusto mo ay kunin mo na lang iyon sa akin ng personal. Balak ko sanang pumunta d'yan bukas dahil may favor akong gustong hilingin sa 'yo."

"Ayos lang. Ano ba iyon?"

"Hindi ba't marunong kang mag-repair ng cellphone?"

"Umm... oo, medyo. Bakit may nasira ka bang cellphone?"

Tumayo si Francine at kinuha ang napulot na cellphone sa kanyang bag. Tinignan niya iyon habang kinakausap si Raymart.

"Ano kasi... may napulot akong phone sa may basurahan noong isang araw. Ang akala ko nga ay sira na, pero nang i-try ko ay nag-open naman siya. Kaso na-stuck siya sa intro logo."

"Okay, sige. Dalhin mo na lang dito bukas. Tamang-tama dahil nandito si Ate Cecile at iyong boyfriend niya. Darating din dito bukas iyong kaibigan kong police investigator na si Jackson, ipakikilala kita."

Napakamot si Francine sa batok. "Teka, may darating ka palang bisita. Ano kaya kung sa susunod na araw na lang ako pumunta d'yan? Nakakahiya naman sa inyo."

"Bakit ka naman mahihiya, e welcome na welcome ka naman dito anytime? Alam mo bang itinatanong ka sa 'kin ni Ate Cecile nitong mga nakaraang araw? Sigurado ako na gustong-gusto ka na ulit niyang makita. 'Tsaka tamang-tama dahil magluluto si ate ng kanyang mga specialty."

"Sige na nga, pero isasama ko si Vera ah."

"Si Vera?" Biglang sumagi sa isipan ni Raymart ang nangyari noong isang araw. Isang babaeng kamukhang-kamukha ni Vera ang nakita niya sa drugstore, pero nang tanungin niya kung siya ba ang kaibigan ni Francine ay tumanggi ito. Hindi pa rin siya makapaniwala na hindi iyon si Vera. "Sige, isama mo na rin. Kung gusto mo nga ay isama mo pa iyong asawa mo na laging galit."

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon