Chapter 12

7.7K 67 5
                                    

First day ng online job ni Miggy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

First day ng online job ni Miggy. Maaga pa lang ay nag-umpisa na siya sa ipinagagawa ng kanyang boss. Ngunit nagtaka si Francine kung bakit hindi ito lumalabas ng kuwarto. Kadalasan naman ay sa dining table ito pumupuwesto at doon nagla-laptop.

Nilapitan ni Francine ang asawa bitbit ang isang tray ng breakfast.

"O, babe. Mag-breakfast ka muna." Ipinatong niya sa harap nito ang tray. "Huwag mo nga masyadong dibdibin ang trabaho mo. Nandito ka na nga sa bahay, kinakalimutan mo pa ang pagkain mo."

"O, sige. Mamaya ko na kakainin 'yan. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko," sagot ni Miggy.

Pasimpleng naupo si Francine sa tabi ni Miggy. Hindi pa kasi niya nasasabi ang tungkol sa napag-usapan nila nina Raymart at Vernice kahapon. Gusto niya na sanang sabihin kahapon pa, pero hindi siya makahanap ng tiyempo. Kinakabahan siya na baka magalit ito.

"Ah, babe. May gusto lang sana akong ihingi ng permiso sa 'yo."

"Ano iyon?"

"Ipangako mo muna sa 'kin na hindi ka magagalit."

"Bakit? Ano bang sasabihin mo't iniisip mo na ikagagalit ko."

"Ano kasi...," napakamot siya sa batok. "Ah, aalis na raw si Vernice sa trabaho namin. E, hindi ba't sila lang naman ni Raymart ang photographer. Nakiusap sila sa 'kin kahapon na kung puwede raw na pansamantala muna akong pumalit kay Vernice."

Biglang huminto sa ginagawa si Miggy. Nakakunot ang noo na humarap siya sa asawa.

"Hindi ba't napag-usapan na natin ang tungkol d'yan? Alam mong hindi ako papayag na magtrabaho ka sa malayo."

Humawak si Francine sa braso nito. "Pansamantala lang naman iyon, babe. Nanghihinayang kasi ako sa puwede kong kitain. Makakatulong 'yon sa mga gastusin natin dito sa bahay."

"Hindi pa ba sapat na pinayagan kita na maging graphic designer nila? Aba'y nakakahalata na ako sa Raymart na iyon, ah? Siguro may gusto nga talaga sa 'yo ang hayop na iyon." Tumaas ang tono ng boses nito.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Pag-aawayan na naman ba natin ito?"

Sa galit ay biglang sinagi ni Miggy ang tray ng breakfast. Natapon sa sahig ang mga pagkain.

"Kapag sinabi kong hindi puwede, hindi puwede!" sigaw nito.

Nangatal ang binti na napaiyak na lang si Francine. Hindi niya akalaing aabot sa gano'n ang paghingi niya rito ng permiso. Ni minsan ay hindi pa siya nagawang sigawan ni Miggy nang gano'n at talaga namang tila nadurog ang kanyang puso.

"E, 'di hindi!" sigaw ni Francine. Kumuha siya ng mga unan at ipinagbatuhan sa asawa. "Hindi mo naman ako kailangang sigawan kung ayaw mo 'kong payagan!" Umiiyak na lumabas siya ng kuwarto.

Ang totoo'y nabigla lang si Miggy.

Ayaw niya kasing maiwan sa bahay kasama si Vera. Natatakot siya na baka maulit ang ginawa nito kapag pinasama niya kina Raymart si Francine. Alam niyang hindi niya makokontrol ang libog kapag sinubukan na naman nitong puwersahin siya. Natatakot siya na magkasala na naman sa asawa. Natatakot siya na tuluyan nang bumigay ang kanyang katawan kay Vera at hanap-hanapin ang sarap na naramdaman niya rito.

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon