Chapter 3

7.5K 76 1
                                    

"Maganda ba 'tong wedding invitation design ko, babe?" tanong ni Francine kay Miggy na kakarating pa lang galing sa paghahanap ng trabaho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Maganda ba 'tong wedding invitation design ko, babe?" tanong ni Francine kay Miggy na kakarating pa lang galing sa paghahanap ng trabaho. Kasalukuyan siyang nag-i-edit nang hapong iyon. "What if lagyan ko pa kaya ng konting decoration? Gusto raw kasi nina Mr. and Mrs. Devanadera na maarte ang pagkaka-design."

Tinignan ni Miggy ang ginawa niya.

"Hindi pa ba okay 'yan? Baka hindi na magmukhang wedding invitation 'yan kapag pinaarte mo pa ang design."

"Sure ka?"

Nang tumango si Miggy ay sinunod niya na lamang ito.

"Siguro nga, ano?" at nag-save na siya ng file. "Bahala na si Batman. Atleast nakagawa naman ako ng five samples na pagpipilian nila. I'm sure may isa na sa mga ito ang ma-a-approve."

"Babe, merienda tayo?"

"Ano'ng gusto mong merienda?"

"May french fries pa ba?"

"Oo. Kakabili ko lang sa grocery kaninang umaga."

"Sige iyon na lang."

Pagkatapos niyang i-shutdown ang computer ay nagtungo na siya sa kusina para magluto ng merienda. Naupo naman si Miggy sa harap ng hapagkainan.

Maya-maya'y napansin niyang panay ang simangot nito habang may binabasa sa laptop.

"Okay ka lang ba, babe?" pag-aalala ni Francine.

"Ha?" sambit nito. Tumingin sa kanya ito nang sandali at ibinalik muli ang atensyon sa binabasa. "O-okay lang ako."

"Bad day?"

Natigilan si Miggy sa tanong niya. Hindi kasi siya natanggap sa inapplayang trabaho noong umaga.

Bumuntong-hininga ito at sumandal sa silya.

"Sobrang bad day," sagot ni Miggy.

"Makakahanap ka rin ng trabaho, babe. Kung iniisip mo iyong panggastos natin, marami pa naman akong ipon galing sa mga ipinadala mo noon. Take your time," nakangiti niyang sabi.

"Thanks, Babe."

Nang maluto na ang merienda ay hinainan niya na sa lamesa si Miggy. Nagtimpla rin siya ng orange juice.

"Huwag mong masyadong dinidibdib ang job searching na yan. Kumain ka muna para umaliwalas naman 'yang hitsura mo."

"Opo," nakangiting sagot nito.

Pagkuwa'y kumain na ito habang patuloy na nagsi-search online. Naupo na rin si Francine at sinabayan itong kumain.

---

Makalipas ang ilang sandali, biglang nag-ring ang kanilang doorbell. Tumayo si Francine para silipin kung sino iyon.

"Raymart!" sambit niya. Then humarap siya kay Miggy. "Babe nandiyan si Raymart, iyong katrabaho ko. Kukuhanin niya na yata iyong mga ginawa kong invitation kanina."

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon