Chapter 18

7.4K 69 6
                                    

Bumalik na ulit sa dati ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumalik na ulit sa dati ang lahat. Para bang walang nangyari sa mag-asawa. Para bang hindi man lang sila nag-away at bumalik ulit ang tamis ng kanilang pagmamahalan.

Si Francine ay abala sa pagluluto ng dinner. Nagluto siya ng chicken curry na isa sa mga paboritong ulam ng kanyang asawa. Samantalang si Miggy naman ay abala sa kanyang online job. Doon pa siya pumuwesto sa kitchen table para hindi mawala sa paningin niya ang asawa.

Maya-maya'y sumandok si Francine ng sabaw at lumapit kay Miggy.

"Babe, pakitikman mo naman ito chicken curry kung okay na ang lasa. Para kasing ang tabang, e."

Huminto sa ginagawa si Miggy at sinubuan siya ni Francine.

"Anong lasa?"

"Ang sarap! Napakasarap mo talagang magluto, babe."

"Sigurado ka? Baka nagkukunwari ka lang, ah. E, kung dagdagan ko pa kaya ng konting asin?"

"Kahit na hindi ko tikman 'yan, alam ko na masarap 'yan. Kailan ka ba nagluto nang hindi tama ang timpla? E, lahat nga ng niluluto mo ay favorite ko. Pasalamat na lang talaga ako dahil hindi ako tumataba," nakangiting pagkakasabi ni Miggy.

"Aysus! Binola pa ko nitong asawa ko." Tumabi si Francine kay Miggy at naglambing. "Payakap nga ako ng matagal kay Lee Jong Suk."

"Sige lang. Kahit pa bukas ka na kumalas sa 'kin sa pagkakayakap, aking Park Shin Hye."

"Park Shin Hye? E, mas kamukha ko kaya si Suzy Bae!"

At nagtawanan silang dalawa.

Pagkuwa'y naging seryoso si Francine.

"Babe..."

"Oh?"

"Sana palagi tayong ganito, ano? Iyon bang palaging masaya at walang masyadong iniisip na problema?"

"Puwede naman, ah."

"Paano?"

"Basta ipangako lang natin sa isa't-isa na walang susuko."

Tumingin si Miggy sa asawa at hinaplos ito sa buhok.

"Mangako tayo sa isa't-isa na kahit ano pang problema ang pagdaanan natin, na kahit ilang libo pang misunderstanding ang dumating sa buhay natin ay hindi tayo susuko. Huwag nating hayaan na masira ang ating pagsasama nang dahil lang sa isang simpleng problema."

"Oo naman, babe."

"Talaga?"

"Oo, promise." May mapaglarong ngiti na namuo sa labi ni Francine. "Hindi na kita lalayasan. Aawayin na lang kita rito sa bahay para hindi ka na gaanong mag-alala sa 'kin," biro niya.

"Babe naman!"

"Joke lang. Ito naman hindi na mabiro. Tignan mo 'yang noo mo, kumukunot na naman." Hinawakan niya ito sa pisngi at pinisil-pisil. "Promise, susunod na ako sa 'yo palagi. Hindi na ako magiging makasarili at hindi na kita pag-aalalahanin."

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon