Chapter 11

9.2K 72 0
                                    

More than two years ago, naisipang bumisita nina Francine at Miggy sa bahay nila Vera

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

More than two years ago, naisipang bumisita nina Francine at Miggy sa bahay nila Vera. Napakaganda ng araw na iyon. Iyon ang unang day off ni Vera sa kanyang first job sa isang Electronics Company. Kasalukuyang nagdidilig siya ng mga halaman nang dumating ang dalawa.

"Vera!" tawag ni Francine.

Napalingon siya nang makita sa harap ng gate ang magkasintahan. Nasira kaagad ang araw niya.

"Masyado ka na yatang busy ngayon, ah? Kaya naman pala ilang araw ka nang hindi nagpaparamdam sa amin," nakamaywang nitong sabi.

Ang totoo'y sinadya niya talagang hindi magpakita, few months after ng graduation. Ayaw niya na kasing makita pa ang mga ito. Iyon lang ang naisipan niyang paraan para makalimutan na si Miggy.

Gusto niya nang maka-moveon.

Since naging magkasintahan kasi ang dalawa'y dumanas na siya ng walang tigil na kalungkutan. Pagud na pagod na siyang mainggit at masaktan. Pagud na pagod na siyang magpanggap na masaya at maging best friend ng hinayupak na si Francine.

Inakala niyang magiging busy na ang dalawa sa kani-kanilang mga trabaho, pero hindi niya in-expect na magkakaroon pa ng time ang mga ito para bisitahin siya.

Para buwisitin siya!

Para ipaalala na naman ang sakit na gustong-gusto niya nang makalimutan. Inis na inis siya sa Diyos kung bakit ipinagduduldulan pa nito sa kanya ang mga taong ayaw nya nang makasama pa.

Gustuhin man niyang ipagtabuyan ang dalawa sa sandaling iyon, pero wala siyang ibang magawa kundi papasukin ang mga ito. Maririnig na naman niya ang mga walang kuwentang kuwento ni Francine tungkol sa masasayang nangyari sa kanilang buhay magkasintahan.

"Ah, maupo kayo," sabi ni Vera nang papasukin niya ang dalawa sa bahay. "Ano'ng gusto n'yong drinks? Fruit juice o iced tea?"

"Ang gusto ko ay malaman kung bakit hindi ka man lang nagparamdam nitong mga nakaraang buwan," galit na tonong pagkakasabi ni Francine.

Natigilan naman si Vera.

"Babe, kalma ka lang," sabi ni Miggy.

"Paano akong hindi kakalma, e hindi man lang 'yan tumawag or nag-text sa 'tin."

"Babe..."

"Wala man lang akong balita kung anong nangyayari sa buhay ng babaeng 'yan. Kapag tinatawagan ko naman ay laging unattended. Parang hindi na kami mag-best friend, ah."

Hindi naman talaga tayo mag-best friend.

"Kung hindi pa na 'tin bibisitahin, e hindi na 'tin siya makikita," dugtong ni Francine.

Naupo si Vera sa tabi ni Francine. "Bessy, pasensya ka na. Medyo naging busy kasi ako sa paghahanap ng trabaho. Araw-araw akong pagod kaya hindi ko na kayo nakukumusta. Mabuti na nga lang natanggap na ako last week sa Toshiba."

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon