Chapter 25

7.5K 58 6
                                    

Mag-a-ala una na ng hapon ay abala pa rin si Miggy sa kanyang trabaho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mag-a-ala una na ng hapon ay abala pa rin si Miggy sa kanyang trabaho. As usual, doon na naman siya nakapuwesto sa kitchen table.

Si Vera naman ay nasa kuwarto at hindi alam ni Miggy kung ano ang ginagawa nito. Ang alam lang niya ay nagpapahinga ito. Hindi pa kasi ito lumalabas simula nang pumasok ito sa kuwarto pagkaalis ni Francine. Ni hindi man lang ito nagluto ng pananghalian na kadalasan naman ay ito ang gumagawa kapag wala ang asawa.

Mabuti na lang ay marami siyang nakain sa breakfast dahil hindi talaga siya makakapagluto ng pagkain sa oras na iyon.

Pagkuwa'y natigilan si Miggy at napaisip.

Ayos lang kaya siya? Masama pa kaya ang pakiramdam niya?

Then, ibinalik niya na ang atensyon sa laptop.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Vera sa kuwarto. Nang mapatingin siya rito ay nakita niyang nakatapis lamang ito ng tuwalya sa katawan. Napatingin din ito sa kanya, pero mabilis niyang naibalik ang atensyon sa laptop.

"Nagugutom ka na ba, Miggy?" tanong ni Vera. Lumakad ito papunta sa kanyang likuran at hinaplos siya sa balikat. "Pasensya ka na kung hindi kita naipagluto, ah. Napasarap kasi ang tulog ko."

"Ayos lang. Busog pa naman ako. Mamaya na lang siguro ako kakain kapag merienda na."

Hinaplos siya ni Vera ng daliri sa leeg. "Sigurado ka? Masama ang magpigil nf gutom."

"Oo, magpahinga ka na lang d'yan. Hindi ba't may sinat ka?"

"Kunwari lang iyon para hindi ako makasama kay Francine."

"Ikaw talaga."

Hinaplos na naman ni Vera ng kamay sa leeg si Miggy. Nakaramdam ito ng kiliti, ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang trabaho.

Then suddenly, inilapit niya ang bibig sa tenga nito at bumulong. "Sigurado ka bang ayaw mong kumain, o baka naman iba ang gusto mong kainin ngayon?"

"Wala ko sa mood, Vera," sagot ni Miggy habang nagta-type. "Kailangan ko pang tapusin itong trabaho ko. Marami pa akong kailangang gawin ngayon."

"Sayang naman." Lumakad si Vera ng ilang hakbang palayo sa kanya. "Akala ko pa naman ay pagkakataon na natin ito."

Pagkatapos ay biglang hinubad ni Vera ang nakatapis na towel at nahulog iyon sa sahig.

Nang mapatingin sa kanya si Miggy ay kaagad itong napahinto sa ginagawa. Tumambad sa kanya ang napakagandang hubog ng katawan nito. Parang diyosa si Vera sa napakaganda nitong kutis.

Pagkuwa'y binigyan siya ni Vera ng mapang-akit na tingin. "O sige, ikaw ang bahala. Hindi naman kita mapipilit kung ayaw mo. Maiwan na muna kita rito, ah."

At naglakad na nga ito papuntang CR.

Napapikit nalang si Miggy, sabay kunot ng noo.

Ano ka ba, Miggy? Mag-focus ka nga sa trabaho mo!

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon