Chapter 38

4.1K 51 5
                                    

Nang magising si Francine ay kaagad siyang bumangon sa higaan nang makitang alas otso y media na ng umaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang magising si Francine ay kaagad siyang bumangon sa higaan nang makitang alas otso y media na ng umaga. Hindi tumunog ang alarm niya sa cellphone na dapat sana ay alas sais siya gigising. Napuyat kasi siya sa pagbabasa ng libro kinagabihan.

Ano ba naman 'to? Nakakahiya kapag naabutan ako ni Raymart na hindi pa ready. Ni hindi ko pa nga naipagluluto ng breakfast sina babe at bessy!

Dali-dali siyang kumuha ng tuwalya sa drawer at lumabas ng kuwarto.

Papunta na sana siya sa banyo para maligo nang marinig na may nagtatawanan sa kusina. Sinilip niya iyon.

"Alam mo ba na ngayon lang ulit ako nakakain ng pinya, pare? Hindi kasi ako mahilig na nilalagyan ng prutas ang ulam, pero itong Adobo mo... ang sarap!"

"Talaga? Sige lang, kumain ka lang nang kumain. Para naman makabawi ako sa mga kasalanan ko sa 'yo."

"Naku! Kalimutan na natin 'yon."

"O, kung gusto mo pa ng kanin, kumuha ka lang ah. Maiwan na muna kita rito at gigisingin ko lang si Babe. Napuyat kasi 'yon sa pagbabasa ng libro niya kagabi."

Hindi siya makapaniwala sa nakita. Parang matagal nang magkaibigan sina Miggy at Raymart kung mag-usap at nagtatawanan pa sila sa kusina. Kung dati'y halos isumpa ni Miggy si Raymart kapag magkausap o magkasama sila, ngayon nama'y para silang nahipan ng hangin at naging close sa isa't-isa.

Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Oh? Kanina ka pa ba d'yan, babe?" tanong ni Miggy nang madatnan siya nito nakasilip sa isang tabi.

"Babe, bakit hindi mo ako ginising? Hindi nag-alarm iyong phone ko. Siguradong mali-late na kami ni Raymart nito."

Sumabat si Raymart, "Don't worry, Francine. Pwede naman tayong magpa-late dahil mi-make-up-an pa iyong client natin. 'Tsaka in-i-enjoy ko pa itong breakfast na inihanda ng asawa mo."

"Ano'ng mayroon at ikaw ang nagluto ngayon?" tanong ni Francine kay Miggy.

"Naisipan ko lang. Matagal-tagal na kasi kitang hindi naipagluluto. 'Tsaka sinadya ko talaga na mag-luto today dahil alam kong darating itong si Raymart. Gusto ko na kasing makipag-ayos sa kanya para mapatunayan ko sa 'yo na hinding-hindi ko na kayo pag-iisipan pa ng masama."

"Si babe talaga. Hindi mo naman kailangang gawin 'to. Basta't nangako ka, naniniwala na akong gagawin mo."

Hinawakan siya ni Miggy sa baywang at tinignan ng diretso sa mga mata. "No, babe. Nangako ako sa'yo na gagawin ko ang lahat para mapasaya ka kaya ginawa ko ito. Paminsan-minsan lang naman ito, e." Dinampian niya ng halik sa labi si Francine.

Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Raymart nang makita ang sweetness ng dalawa. Ibinalik na lamang niya ang atensyon sa pagkain at sinubukang kalimutan ang nakita.

"Ano ka ba, babe?" Tinapik niya si Miggy sa balikat. "Hindi ka na nahiya. Nasa harapan tayo ni Raymart, oh."

"Bakit? Wala namang masama sa ginawa ko ah"

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon