21st

854 32 10
                                    

MANYAK!”

“Wow ha! Salamat sa magandang salubong ng Birthday ko!” tawa pa ni Sehun tila inaasar si Jean.

“Hindi mo pa birthday. Wag kang excited.” Belat pa ni Jean sa kanya. Sabay taas naman nito ng braso niya at pinakita ang relo na nag aalarm. Tinaas ang kilay at hinamon si Jean.

“What? Birthday ko na diba?” ngiti nito. Napairap na lang ang dalaga at tsaka binati si  Sehun.

“Happy Birthday.” Walang ganang sabi ni Jean na tila napipilitan lang.

Napapout naman si Sehun at sinilip ang dalaga. “Bukal bas a loob mo ang pag bati sakin o sadyang napilitan? Wag naman masyadong pahalata uy!” pang aasar pa nito.

Hindi alam ni Jean pero natatawa siya. “Ano gusto mo? Ihug pa kita habang binabati kita ng Happy Birthday?” pang hahamon ng dalaga.

“Pwede din, wala ka ngang regalo sakin.” Pag mamaktol ng binata.

“My present is my presence.” Pang bubuwisit ni Jean.

“Yeah, maganda yan. Memorable.” Sarcastic na sabi ni Sehun. Hindi na napigilan ni Jean na matawa at kinuha ang maliit na notebook na nakatago sa likod niya at binigay kay Sehun.

Agad naman nawala ang pang aasar na mukha ng binata at napalitan ng curious na mukha. “Ano to?” tanong ni Sehun ng pilitin siya ni Jean na kunin ito.

“Regalo ko.” matipid na sabi ni Jean.

“Diary mo?” inosenteng tanong ni Sehun.

“Baliw ka ba? Bakit kita bibigyan ng diary ko?” taas kilay na tanong ni Jean kasabay ang pag halukipkip nito sa harap ni Sehun. Samantalang si Sehun ay abala sa pag buklat ng booklet.

“Alam mo, ang ganda ng regalo mo.” Bumalik ang pagiging sarcastic ng binata ng makitang walang nakasulat sa loob ng booklet na hawak niya. “Blanko na nga, wala pang note o message man lang na binabati mo ako sa birthday ko, na thankful ka dahil nakilala mo ako at nakasama mo ako, yung mga ganun ba.” Kamot pa sa batok ni Sehun.

“Ano ako fan mo? Kung matuto kang maghanap hindi puro ka salita.”

“Pinapagalitan mo ba ako? Baka nakakalimutan mong birthday ko?” =__= Sehun.

“Ang sinasabi ko lang, hanapin mo.”

Hindi na nag salita ang binata at binuklat na ang booklet sa harap niya at natigilan siya ng may makita siyang nakasulat.

“Dati?” takang tanong ni Sehun.

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Where stories live. Discover now