12th

1.2K 34 6
                                    

“Okay na gamit mo?” silip ni Sehun dito sa kwarto na tutulugan ko. Atat naman kasi ang isang to.

Tinaasan ko siya gn kilay at nakita kong naka sando ang loko at naka sumbrero, naka tsinelas na din siya at shorts lang.

Kakatapos lang. Ano nanaman ba ginagawa mo dito?” pang aasar ko habang sinasara ang drawer ko.

“Sabi kasi ni Lay, pwede daw tayong mag punta sa bukid o kaya sa fishpond para manghuli ng iihawin for lunch. Ano sama ka na.” pag aaya niya at naupo sa kama. Hindi ko naman siya pinapatuloy pero dirediretso lang siya sa kwarto. “Oh. Inayos mo na din gamit ni Mia?” tingin niya sa maletang walang laman.

“Oo, sinabay ko na kasi natutulog pa siya kanina, mukhang masama ang pakiramdam. Dagdagan pa ng magaling mong kaibigan.” Panenermon ko.

“Bakit sakin ka nagagalit? Si Chanyeol ba ako? So tara na! Sabi ko aayain kita eh.” feeling close tong isang to eh.

“Sige na. shupi at mag bibihis pa ako, tigilan mo lang ako sa pangungulit.” Taboy ko sa kanya.

Agad naman siyang lumabas habang nang aasar.

“Wag kang mag suot ng revealing na damit. Bihira lang babae dito.” Pang aasar pa niya. “Pero pwede din. Para ka naman kasing hindi babae eh.” akto na sana ako na babatuhin siya ng una kong mahawakan. Malas niya at yung lampshade ang naabot ko. “Parang biro lang naman eh!” tawa pa niya “Masyadong mainit kasi. At mukhang hindi ka sanay sa ganito. Sige na! Kanina pa ako dito. Ang bagal kasi.” pamumuwisit niya bago isara yung pinto. Parang bata.

Ilang minuto lang naman ang tinagal ko sa pagbibihis. Nag shorts lang ako at Loose shirt at tinali ang buhok ko. Medyo masikat na din kasi ang araw.

Agad din naman akong bumaba dahil ayaw kong mag paimportante sa kanila.

Bago pa ako makalabas ng garden, nakuha ng atensyon ko ang matangkad na lalaki na nakatayo sa veranda kung saan nakahiga si Mia at mahimbing na natutulog. Agad akong nag tago sa poste hindi sa kalayuan dahil sa gulat.

Ano nanaman ginagawa ni Chanyeol doon? Aabalahin nanaman ba niya si Mia para utusan? Kita niyang nag papahinga yung tao eh.

Sumilip ako ulit para makita ang gagawin niya, para makumpirma ang hinala ko. Pero bago pa maglanding ang mata ko ay agad na may nangulat sakin sa likod.

“Ay shit ka!” inis na sabi ko at sumalubong sakin ang tatawa tawang Luhan.

“Ano ginagawa mo diyan ha? Naninilip ka no?” pang aasar pa niya. Tulad ni Sehun, mukhang komportable siya sa suot niya pwera lang sa sumbrero dahil nakatali ang buhok niya an parang pinya. Siguro sasama din siya samin.

“Naninilip? Ako? Bakit ako maninilip? Tsaka sino sisilipan ko no?” tanong ko sa kanya at inayos ang damit ko.

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon