14th

1.1K 32 5
                                    

HAPPY YEHET DAY! :)) MWAH!

“Tinawagan ko nga pala si Manager.” Upo ni Sehun sa tabi ko habang binibigyan ako ng tubig. Nandito kami sa likod bahay pinapanuod ang mga nag iihaw as pangunguna ni Chen at D.O.

“Sinabi mo bang na sprain ako?” O_O

Tumingin lang siya sakin ng matagal dahilan para mailang ako hanggang sa umiwas na siya ng tingin at pinapanuod na din sila Chen.

“Sorry, ayaw ko lang mag sinungaling kay Manager kaya sinabi kong nasprain ka. Pero sinigurado ko naman sa kanya na hindi kita pababayaan hanggang maka balik tayo ng manila. Tsaka ako naman ang reason kung bakit tayo nandito ngayon. Kamusta na yung paa mo? Masakit pa ba?” tanong niya.

Umiling ako at umiwas ng tingin.

Nakuha ni Chen ang atensyon ko nang patungan niya ng panibagong bakal ang isda at tsaka iyon binaliktad.

O___O “Ano yun?” gulat na tanong ko.

“Siraulo talaga tong si Chen eh.” tawa ni Sehun at tumayo na. “Teka lang ha. Sesermunan ko lang.”

Pero bago pa makalapit si Sehun nahulog na yung pagkain na nasa foil. Sa pag kakaalam ko thin slices ng pork yun eh.

“BUHAY PA! BUHAY PA!” sigaw ni D.O at sabay silang nakiramay sa pagkain na nasa sahig.

“Pwede pa to.” sabi ni Chen at sumubo.

Nakabalot pa din naman ng foil yung karne kaya malinis pa din. Sadyang matatakaw lang tong dalawang to.

“Hoy kayo. Wala na tayong kakainin mamaya.” Siga na sabi ni Sehun habang naka pamewang pa.

“Ang gay mo. Manahimik ka diyan at bantayan mo na lang si Jean. Dun ka. Shupi.” Pang aasar ni Chen.

“Pasalamat ka at mabait ako. Penge nga!” sigaw pa ni Sehun habang inaagaw yung isusubong karne ni D.O.

Ayun tiningnan lang naman siya. sa laki ng mata ni D.O natatakot ako eh. parang kasyang kasya ako if ever.

“EEEEEEEEH! AYAAAAAAAW!” rinig kong tili ng isang babae sa balcony at sumalubong sa mata ko si Mia na iniiwas ang mukha sa kamay ni Suho.

“Sige na kaseeeeee! Wag matigas ang ulo! Aish! Gamot lang to!” parang batang pakikipag talo ni Suho.

“NOOOO! YAK YAK YAK! AYOKO! MABIBILAUKAN AKO!” sigaw ni Mia. Lahat ng tao na nandito sa garden naka tingala sa kanila.

“Please naman. inumin mo na tong gamot para maging okay ka na agad.” Pag mamakaawa ni Suho.

“Shet” tawa ni Tao “Nag iiba si Suho kapag kasama si Mia. Parang nawawala ang pag kalalaki oh.” Tawa pa niya.

“Iba tama kay Mia niyan.” Baekhyun. “Kanina sobrang alala kay Mia at tinatanong pa sakin yung gamot na kailangan inumin, hindi pa nasiyahan at tinawagan pa yung family doctor. Walang tiwala sakin ang gag*.” Tawa ni Baekhyun habang nag hahain.

“Pag ibig nga naman.” mahinang tawa ko.

“Ikaw Jean. Nag ka ganyan ka na din ba? I mean, nag iba dahil sa love?” tanong ni Baekhyun.

“Ako? Hindi ko alam… pero… siguro?” naguguluhan kong sagot.

“Hindi mo alam? Bakit? Hindi ka pa ba nag ka boyfriend?” tanong ni Luhan.

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Where stories live. Discover now