6th

1.3K 33 2
                                    

Pabalibag kong binato sa maleta yung damit ko nang biglang may pumasok sa kwarto.

“Finally. Now you’re moving!” ngiti ni Lola sakin at umupo sa kama.

“Do I have a choice?” simangot ko sa kanya pero nag giggle lang siya. Nag eenjoy siya sa pag mamaktol ko.

Maya maya chinecheck niya yung mga damit ko sa bag. “Good choice anyway. Sabi ni Sehun may chance daw na baka mag beach daw kayo, so you better bring some swimsuit.” Payo pa niya.

Hindi ako kumibo at nag patuloy pa din.

“If you want, you can bring your friend. Si Brooke. Para naman hindi mo ako isumpa. Sa haba pa lang ng nguso mo parang hate na hate mo na ako.” Napatigil ako sa pag ayos ng gamit ko dahil sa sinabi niya.

“Really?! Pwede kong isama si Brooke?!” O_O

Ilang araw na akong nakakulong sa kwarto dahil sa ideya na sinuggest ni Lola, yun ang pag sama ko sa talent niya sa bakasyon daw sa province. Ni hindi ko nga kilala mga kasama tapos ako lang babae? Kahit sabihin na natin na sinabi niyang mababait ang mga kasama. Hindi pa din ako mage enjoy dun for sure. Pero eto, sinabi niyang isama ko si Brooke. Bukas na kami aalis at nag aayos na ako ng gamit.

Malapit na in ang birthday ni Seth. 3 days pa.

“Kakasabi ko lang diba?” tawa ni Lola sa itsura ko.

“Hay salamat sa Diyos at nag karoon ng awa ang Lola ko kahit konti.” Pag paparinig ko sa kanya at tinawanan ako.

“You’re always welcome daw.” Tumayo na siya sa kama at pumunta sa pintuan “Nga pala. Pwede mong patulugin si Brooke dito. Maaga daw kayong aalis bukas.” Pag paalala niya.

“I’ll call her na agad. Mabagal mag gayak yun eh. Pero pano pag isama niya bf niya? Okay lang?” paalam ko, as if namang si Lola nag ayos ng lakad na to diba? Hindi ko kilala yung Lay eh. Sorry naman.

“Kung magiging masaya ka eh. Why not?” pang aasar niya.

“Thanks Lola.”

“Don’t call me Lola. I’m not old. You know.” Pag kendeng niya palabas ng kwarto. Right, she’s not old looking naman.

==

MIA’S POV

Nakahilata ako sa sofa dito sa bahay habang nanunuod ng Peter Pan. Wala. Favorite ko lang to. May naaalala kasi ako sa tenga ni Peter Pan. >____>

Wala akong sinabi.

Dahil sa pag ka bored, lahat ng angulo ay sinubukan ko na basta hindi mawala sa T.V ang mata ko. pumipikit lang ako sa spitting part ng movie. Peter pan with the lost boys. Yun lang naman ang hindi ko maatim sa movie na to. Nakakakilabot kaya. Brr.

Nang mahanap ko na ang magandang angulo- Sandal sa sofa na parang matutulog habang nakatingin sa T.V.- tsaka naman dumating ang katulong sa bahay hawak ang phone ko na sa pag kaka tanda ko ay sadyang iniwan ko banyo ng guestroom. Nakakainis kasi. Laging tumutunog.

Isang number lang naman ang nasa screen. Si Suho. Ano ba sapak ng lalaking yun at ang kulit. Binigay ko yung number ko noong gabi dahil baka sakaling tantanan ako at payagan akong umuwi mag isa.

Actually, isama pa ang pangalan ni Chanyeol na nag flash kasama ang picture niya noong college pa lang siya. Kaya nag pasya akong iwan doon ang phone ko. At eto nga, ang Yaya naman dito sa bahay halos itutok pa sa mukha ko.

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Where stories live. Discover now