23rd

1.1K 55 38
                                    

GUYS! Last update ko was 9 months ago. Kamusta kayo? Binabasa niyo pa din ba ako? Now I've decided to continue my work, tsaka graduate naman na si Author... napasama na sa mga bilang ng unemployed! Cheers! :D HAHAHAHAHA!

Ayun, sana binabasa niyo pa din ito. Hind lang ito pati na rin yung ibang stories kasi ic'continue ko na ang update. :D

ENJOY GUYS!!

PS. Brace yourselves with the <(O.o)> (omo) moment

====

Napatingin si Sehun sa paligid right after pakawalan siya ng mahigpit na yakap ni Cath. Ang sumalubong lang sa mata niya ay si Suho na palapit kay Mia habang nakatingin sa isang direksyon papunta sa bahay. Susundan niya sana ng tingin pero hinila agad ni Cath ang kamay niya.

"Sabi ng Manager mo, dito ka daw mag ceclebrate kaya kinancel ko lahat ng schedule ko until tomorrow para makasama kita dito." Kapit pa nito sa braso ng binata.

Napatingin lang si Sehun dahil sa pag ka bigla.

Nag kasama sama na lahat sa harap nila at hindi maiwasang mapatanong ni Cath.

"Sino sila? Hindi ko kilala..." may pag ka malditang tanong nito kahit nakangiti pa din dahilan para mapa head count si Sehun at napansin na hindi kumpleto ang mga tao na nasa harap nila ngayon.

"Mga kabarkada ko." matipid na sabi ni Sehun habang tinatanaw ang paligid.

"Ipakilala mo naman ako." Request pa nito.

"Kaya mo na 'yan." Wala sa sariling sabi ni Sehun nang mag tama ang mata nila ni Mia. Nagiwas ng tingin si Mia at minabuting lumapit na lang kay Suho.

"Anong sabi mo?"

Napa hingang malalim na lang si Sehun at napilitan ipakilala ang mga kabarkada niya.

Pilit niyang hinihintay na mag abot ang tingin nila ni Mia, dahil ang naaalala niya, si Mia ang huling kasama ni Jean kanina, nakita niya pa ang dalawa na nag kukwentuhan sa shore bago dumating si Cath. Pero naging mailap ang dalaga, tuwing mag tatama na ang tingin nila, agad itong umiiwas na parang walang nakita.

Hindi alam ni Sehun ang irereact niya, ang biglaang pagka wala ni Jean, ang biglaang pagsulpot ni Cath na ngayon ay ayaw siyang bitawan, ang feeling na gusto niyang mag pipiglas at hanapin na lang ang kanina pa niya hinahanap ay hindi niya magawa. Ayaw niyang maging bastos at makasakit lalo na at birthday niya.

"Hindi ka ba nahirapan sa byahe mo?" tanong ni Tao dahilan para magising sa pag iisip si Sehun.

"Hindi naman masyado." Ngiti ng dalaga.

Iniisip pa din ni Sehun ang pag payag ni Jean na samahan siya sa pag s'celebrate ng birthday niya, pero wala naman ang dalaga.

JEAN'S POV

Hindi ko maiwasang mapaisip habang nag lalakad. Halos nililibang ko na lang ang sarili ko sa pag tapak sa mga tiles papunta sa kwarto. Pakiramdam ko kasi, hindi naman ako belong doon. Sa celebration ni Sehun. Ewan ko, kahit inalok niya ako at naging mabait siya, simula nang dumating si Cath, naiba na yung feeling ko at pananaw ko na dapat nandun ako sa celebration dahil yun ang nirequest ni Sehun.

Napakibit balikat na lang ako kasabay ang pag hinga ng malalim nang mapansin kong nasa harap na ako ng bahay nila Xiumin. Parang bata ko na lang natitigan ang salamin sa harap ko.

Ayaw ko pang pumasok. Nabitin ako sa pag lalakad, sa pag iisip. Teka nga, ano bang kailangan kong isipin? Bakit ako mag papa apekto? Dahil ba naging mabait sakin si Sehun? Dahil ba birthday niya? Minabuti kong mag patuloy sa pag lalakad. Wala namang mangyayari saking masama dito.

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Where stories live. Discover now