1st

2.5K 69 7
                                    

“Ma’am! Salamat sa Diyos at nandito na po kayo!” salubong sakin ni Manong Joe, ang in-assign na driver sakin simula makabalik ako ng Pilipinas.

“Hi Manong Joe! Don’t worry. Tayong dalawa lang naman ang nakakaalam.” Ngiti ko sa kanya. Tinakas ko kasi ang kotse na iniregalo sakin ni Lola, since dito na daw ako mag stay sa Pilipinas, kailangan kong mag karoon ng sariling sasakyan.

“Nako Ma’am, halos malusaw na po yung tuhod ko dahil sa takot. Baka po sisantehin ako ng Lola niyo kapag nalaman na pinayagan ko kayong magmaneho.” Takot na sabi niya

.

Ngumiti lang ako at tinapik ang balikat niya at agad nag madaling pumasok sa loob ng bahay.

Nang bigla akong mapatigil sa pag lakad takbo nang makita niya ang kanina ko pa tinatago, ang ipinapanalangin ko na hindi niya sana makita.

“HALA MA’AM! Naibangga niyo ho itong kotse niyo!” awat niya sakin. Agad akong humarap sa kanya at nag peace sign.

“Sorry manong! Not my fault! Kasi yung nabangga ko, ewan ko! Hindi yata marunong mag drive.” Pag papalusot ko sabay takbo sa loob ng bahay. Natatakot kasi ako eh. Baka mapagalitan niya ako since pinilit ko lang siya na ipahiram sakin ang susi dahil gusto kong mag drive. Sa kasamaang palad, kung kailan ako naging Malaya, tsaka ako nadisgrasya.

Pero sana lang talaga, hindi ko na makita yung lalaking mahangin na yun. Muntik na akong tangayin sa bagyong taglay niya nung lumabas siya ng kotse kanina eh.

--

“Sir, mag shortcut na lang po tayo para hindi kayo malate sa appointment niyo. Masyado po kasing traffic, baka maipit po tayo.”

Pag papaalam sakin ng driver ko. Tumango lang ako at pinag patuloy ang pakikinig sa ipod ko.

Nakatingin lang ako sa bintana habang inoobserbahan ang paligid. Boring naman ngayong araw na ito. Infact, araw araw namang boring. Kaya mas gusto ko pa yung hindi ako mag kanda uga uga sa mga schedules ko.

“Matagal pa ba tayo?” tanong ko sa driver ko. hindi ako tumingin sa kanya, sa bintana pa din ang atensyon ko.

“Ay Sir! Saglit na lang po, mamadaliin ko na po talaga.” Nanginginig na sagot niya. Pang ilang driver ko na siya. Dahil kapag nalate ako sa appointment ko, sesante ka na.

Kung mag aapply kang driver ko, siguraduhin mong alam mo ang mga daan at pasikot sikot sa buong Manila. Kung hindi, Malaya ka ng makakaalis sa harap ko.

Sumandal na lang ako sa upuan ko at nag hintay sa sinabi niyang ‘saglit’ expect ko kapag saglit, hindi aabot ng kalahating oras, or much better 5 minutes na lang.

Napahinga ako ng malalim at napansin ko naman na natataranta na din siya. Takot ba siyang masesante? De sana ginawa niya ng maayos ang trabaho niya.

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Where stories live. Discover now