13th

1.1K 35 5
                                    

MANSION

Ilang minuto simula makaalis ang mga mamimingwit ay nasa ganoong posisyon pa din si Chanyeol. Naka squat sa harap ng natutulog na dalaga.

Nasa veranda sila at doun na lang piang pahinga si Mia [ara maka langhap ng sariwang hangin na makakatulog din sa mabilis na pag galing niya.

Ilang minuto nang tulala si Chanyeol sa harap ni Mia. Tila nakikiramdam sa paligid lalo na sa pag hinga ni Mia. Hindi niya alam kung hahawakan ba ang dalaga para icheck o susulitin na lang ang ganitong kalapit na distansya na namamagitan sa kanila.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Chanyeol matapos haplusin ang buhok na naka takip sa mukha ni Mia. “Get well.” Malambing na sambit nito hangga’t maaari ay ayaw niyang magising si Mia dahil sa boses niya. Proven and tested na kapag nag salita siya ay may tendency na maabala si Mia sa pag papahinga.

FLASHBACK

Ilang minuto nang hindi pinapansin ni Mia si Chanyeol na kanina ba daldal ng daldal tila nag bibigay ng comment sa librong binabasa.

“Bakit nga ba ganon? May mga tao talagang hindi nakikinig kapag galit? Mas pinipiling gawin kung ano ang nasa isip nila, to think na kapag galit diba hindi maayos ang takbo ng isip, diba?” tanong ng binata at tsaka lang tiningnan ang kanina pa niya kinakausap na hindi sumasagot. Si Mia.

Sumalubong sa mata niya ang kasamang babae na naka sandal sa puno kung saan ang tambayan nila na mahimbing na natutulog at tila nahuhulog pa ang ulo dahil sa pag kakasandal.

Hindi alam ni Chanyeol kung tutulungan niya ba ang babaeng nasa harap niya o tititigan na lang ito hanggang magising.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang mapansin ang apg gewang ni Mia. Umayos siya ng upo at minabuting sumandal din sa punong sinasandalan ng dalaga. Minabuti din nitong isandal sa balikat niya ang ulo ni Mia at huminga ng malalim.

“Wala akong kausap. Daldal ako ng daldal tapos tinulugan mo lang ako. Pasalamat ka mabait ako dahil hindi kita hinayaang mangudngod sa lupa.” Komento ni Chandler habang inaayos ang kanyang salamin.

“Shh. Chand---ler. Ingay mo.” Himutok ni Mia at umayos ng pag kakasandal sa balikat ni Chandler.

Kasi nga curious ako.” Pag dal dal pa din nito.

“Tsk. Depende sa tao yun. Kung mag papaapekto sila sa galit. Always remember that it’s always about their decisions.” Pilit na salita ni Mia habang nakapikit.

“Pano ba kasi pigilan ang galit? Diba anger means a strong feeling of displeasure and belligerence aroused by a wrong; wrath. It can be an emotion with a wide range of intensity, from mild irritation to frustration and rage. Also a strong feeling of annoyance, displeasure, or hostility.” Mahabang lintaya nito.

Hindi na nakapag pigil si Mia, ang kaninang inaantok ay napalitan na ng isang naiinis at iritableng babae. “Wag mo akong banatan ng pagiging walking dictionary mo kung ayaw mong ihampas ko sa’yo yang librong yan.” Inis na sabi nito habang tinuturo ang isang makapal na novel na hardbound. “Alam mo kung ano yung anger? Yun yung nararamdaman ko sa’yo ngayon. Kainis yang boses mo na akala mo kung saang lupalop nanggaling.” Pang gigigil nito at huminga na lang ng malalim ng ngitian lang siya ni Chandler isang ngiti na halatang natutuwa sa kanyang naging reaksyon.

Tumahimik panandalian at minabuting huminga ng malalim hanggang okay na siya.

“Galit ka pa?” tanong ni Chandler.

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu