20th

879 39 10
                                    

“Ngunit ngayo’y malayo ka’t Malabong mangyari, ang aking pag tingin, o ibulong na lang sa hangin, pangarap na lang din na gaya pa rin ng dati…” mahinang kanta ko habang kinakapa ang nararapat na tono sa gtara ni Chanyeol na hiniram ko kanina since busy sila sa pag kukwentuhan. Samantalang ako nandito sa pwesto sa log kung saan kami kumain ni Sehun.

Nakakailang talaga kanina, pakiramdam ko ay ang bagal ng takbo ng oras. Hindi ko maiwasang hindi matawa kapag naaalala ko kung panong nasamid si Sehun. Ang epic ng itsura niya promise! Para siyang baby na nasusuka na halos naiiyak na. Shet kanina, sa sobrang tawa ko, buti hindi ako nasamid tulad niya. Karma na niya yun dahil pinag tatawanan niya ako dahil hindi ako marunong mag kamay.

Kung may camera lang mata ko, nako may kopya na ako ng ka epican niya kanina.

“Tawa pa.” biglang sulpot niya sa likod ko.

At eto nanaman ako. Ginagawa ko ang best ko wag lang matawa ng sobra sa harap niya. “Sinong tumatawa?” maang maangan ko at umiwas ng tingin sa kanya.

“Pssh.” Rinig ko pang sabi niya. Naaasar na siya pero wala tayong magagawa, sadyang katawa tawa siya kanina eh. Umupo siya sa harap ko at nag pout na lang. para siyang batang nag tatantrums na masama ang tingin sakin.

Natawa ako kaya iniwasan ko ang tingin niya at kinalabit lang ang gitara na gamit ko.

“Narinig ko yung kinakanta mo kanina… pero hindi malinaw masyado, pero maganda naman. Anong song ‘yun?” tanong niya after lumagok ng canned beer na baon niya.

Umiling lang ako “Imbento.”

Natawa naman siya “Composer ka nga pala. Muntik ko ng makalimutan.” Ngiti niya at umiwas ng tingin.

Parehas lang kaming natahimik at nakiramdam sa paligid. Narinig ko na lang ang malalim niya na pag hinga. “Kung hindi ba tayo mag kakasundo… makikipag deal ka pa din bas a Lola mo?” tanong niya. Agad naman akong naguluhan dahilan para matigilan ako sa ginagawa ko at sumalubong ang kilay ko sa kanya “I mean… naaalala mo ba noong nag kita tayo? Yung sabi ng Lola mo, ibibigay mo samin yung song na ginawa mo? Pero mag kaaway tayo non kaya hindi ka pumayag.” Paligoy ligoy pa niya “I’m trying to say na…. ngayong amg kasundo na tayo… papayag ka na bas a gusto ng Lola mo?” at nag nakaw pa siya ng tingin at binalik ang mata sa shore.

“Siguro?” sagot ko after manahimik ng ilang Segundo. “Hindi ko kasi kayang pakawalan yung kantang iyon. Hindi ko kayang ibigay na lang siya kung kani kanino.” Bigla naman natahimik ang sistema ko.

A very special song to someone special?” pang huhula pa niya.

“He is.” Lunok ko. “I mean… he was.” Tango ko pa na parang narealize ang mga bagay bagay.

“He broke your heart?” pag babakasakali pa niya.

Umiling ako.

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Where stories live. Discover now