26th

122 8 2
                                    

Natapos ang bakasyon... tila nagkanya kanya na din ng mga ginagawa.


Madaming nangyari sa loob ng 3 months. Nandyan na yung may bagong album na si Sehun at pinalabas na nila sa media ang relasyon nila ni Cath, naisip ko na baka para sa sales ng album ni Sehun pero pag naaalala ko yung closeness nila nung nasa vacation kami, di na ako nag tataka. Tuloy ang ligawan between Mia and Suho. Nagexpand ng business si Suho, bumalik sa Korea si Kris and karamihan, mas naging busy. Ako lang naman tambay dito e.


I'm back to Manila and so does Seth. Turns out na may bahay din pala sya dito. Lagi pa dinn kaming nagkikita at kinikilala ang isa't-isa pero iba kasi ang naffeel ko, parang di naman ako ganun kasaya kapag kasama sya. Which is laging bumabagabag sa isip ko.


"Tulala nanaman po sya." Pang aasar ng nasa harap ko. Sino? Sino pa nga ba?


"Di naman. Natahimik lang naman!" Depensa ko. Tinawanan niya lang ako sabay subo ng cheesecake niya. Di lang simpleng subo as in malaking nganga ang ginawa ng ate niyo.


"Di ka naman gutom?" Pang aasar ko sa kanya. 


Inirapan niya lang ako! Inirapan niya ako! Di ko talaga expect na kalog din tong babaeng to talaga e. Nung nasa bakasyon kasi kami laging dami niyang iniisip at dinadamdam about kay Chandler. "Oo nga pala, maalala ko... unalis na nga pala si Brooke." Pag iinform ko.



Tumigil sya sa pag nguya "So, di na talaga nila naayos?" Curious na tanong niya.


Napahinga na lang ako ng malalim sa tanong niya "Alam mo naman sagot sa tanong mo." Pagiging sarcastic ko sa kanya.


Ngumiti lang sya. Sanay na kami sa kalokohan ng isat-isa. "E baka ganun talaga, may mag wwork, merong hindi." Casual na sagot niya. Inoobserbahan ko lang sya and I noticed she's not the same Mia anymore, I mean halata ko naman na masaya na sya kay Suho ngayon.


"I know I made the right choice of choosing Suho over Chanyeol, pero everytime naaalala ko yung time na he ended up waiting for me at the lobby to fix things... it haunts me." She paused and halata ang concern sa mata niya. "Parang feeling ko ako ang reason kung bakit di nag work relationship nila ni Brooke."


I smiled at her. " We all know kung bakit di nag work ang relationship nila and its not about you... parehas silang may sariling issues bago maging sila so don't worry about it. Besides ang blooming mo lagi. Suho is doing his job!" Pag joke ko sa kanya.


"Di pa din nag babago yung mokong na yun. Kahit sobrang busy laging gumagawa ng paraan para mangasar at iannoy ako!" Halata ko naman na kinikilig sya!


Aasarin ko sana pero bigla namang may narinig akong nagtilian sa likod namin.
Yung pag subo ni Mia ng cheesecake hindi natuloy dahil sa gulat niya.


"Jusko! Makatili naman mga tao dito. Ano ganap?!" Tanong niya habang pinupunasan yung bibig niya.

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Where stories live. Discover now