10th

1.5K 37 6
                                    

“Ano bang problema mo?” narinig kong tanong ni Mia bago kami makapasok sa loob ng bakuran nila Lay kung saan sumalubong samin ang mala hardin na sobrang nakaka relax.

“Ahoy! Nandito na ang birthday boy!” bati ni Lay kay Sehun na nauuna sakin ng kaunti. SImula kaninang nag share siya nung sinabi niya, naging seryoso na siya. Para bang naging malalim ang iniisip.

“Lay.” Ngiti ni Sehun at nag manly hug at secret handshake. Ewan, kahit sinundan ko ng tingin naligaw ako eh. “Lay, si Jean. Apo ni Manager.” Pakilala ni Sehun dahilan para mapatingin sakin si Lay at nginitian ako.

“Ikaw ba yung nakabangga sa kotse niya?” pang aasar niya. Pang aasar in a sense na hindi ka maaasar.

Nginitian ko lang siya “Hi. Sorry ah, napasama pa kami dito ng bestfriend ko. Sabi kasi ni Lola, sumama daw kami.” Pag papasensya ko.

“Wala yun no! Mas mabuti na yun, hindi kami puro lalaki at least may mga bagong kasama, the more the merrier diba?” ngiti niya at inakbayan si Sehun. “Tara, nasa loob na sila, feel at home eh. Si Kris, nag aayos ng gamit.” Ngiti niya sakin. “Ay wait. Hindi mo pa siya nakikita diba?” inosesnteng tanong niya dahilan para mapanod ako. “Mage enjoy ka dito. I’m sure. Tapos pupunta tayo sa beach, over night lang naman para doon salubungin ang birthday ni Sehun.”

“Ah… sasalubungin? Hindi kaya tayo mag kabanggaan niyan?” pag bibiro ko. pero siya….

.____________.

After 2 segundo tsaka lang tumawa. Ahm… owkay?

“HAHAHA! Wag kang mag alala, iiwas naman tayo.” Pag bibiro niya din.

Hindi ko alam kung mapipilitang ngumiti o hahagalpak ako ng tawa. Si Sehun sa tabi ko ay natawa din. Walang sounds pero naka nganga.

“Ang pangit nito. Umayos ka nga.” Sermon ko sa kanya. Sinara naman niya ang bibig niya pero halata namang natatawa pa din siya.

Hindi ko alam pero natatawa din ako sa itsura niya. Crazy. Parang tanga kasi. Hindi ko alam kung saan ba siya natawa, sa joke ko o sa late reaction ni Lay?

Natigilan kami ng bigla kaming makarinig ng isang nahulog na bagay. At doon ko nakita si Brooke na tulala sa isang lalaking pababa ng hagdan habang busy sa cellphone niya.

“Siya… siya si Kris.” Ngiti sakin ni Sehun habang katulad ko na siyang nakatingin sa lalaking hindi maalis ang mata sa cellphone.

Pero labis kong ipinag tataka ang naging reaksyon ni Brooke kay Kris… don’t tell me nalove at first sight siya? hindi naman sa nanlalait ako ah. Pero tama nga. Mas mahaba ang baba ni Kris kesa kay Sehun.

I was about to call Brooke nanag maagaw nila Luhan at Suho ang atensyon ko sa gilid.

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon