18th

1K 37 7
                                    

“Sorry talaga kanina Jean. Nambabato kasi ng yelo si Chen eh! Napaka hyper kasi!” daldal ni Baek habang inaalalayan akong bumaba ng yacht. Nandito na din kami sa pampang para ihanda ang mga kakainin namin hanggang mag birthday si Sehun.

“Buti na lang hindi ako nalunod. Kung hindi baka minulto na kita.” Pananakot ko sa kanya at natawa naman siya.

“As if namang hahayaan kitang malunod.” Daldal ni Sehun. Eto nanaman siya! Simula kanina ni hindi ko na siya inimik dahil sa sinabi niya! Hindi ko naman kasi alam ang irereact ko dahil doon. Malay ko ba pinag titripan niya lang ako.

Nag lakad na lang ako at nagkunwariang walang narinig nang makaramdam ako ng nakatapat sa likod ko at sinabing “You’re welcome.” Rinig na rinig ko pa ang himig pang aasar nito kaya ng lapasan niya ako ay binato ko siya ng damit na hawak ko.

“Buwiset!”

Tumawa lang siya at sabay nag belat sakin at nag jog papunta sa nauunang si XIumin at inakbayan ito samantalang ako naka tayo lang dun at napapout dahil sa pikon ko sa kanya.

“Kainis!” nang biglang bumuhos ang ulan at natigilan din ako.

“JEAN!!” sigaw ni Sehun na nakasilong sa restaurant.

“Ha?” sigaw ko pabalik.

Naaninag ko ang pag iling niya at pag tawag niya sakin. Tumingala ako sandali para tingnan kung gano kalakas ang ulan. Nang makaramdam ako ng lalaki sa harap ko.

“Anak ka naman ng kagaw. Mamaya mag kasakit ka pa!” sermon ni Sehun sakin habang nakataas ang kamay dahil sa shirt na hawak niya para hindi kami mabasa ng ulan dalawa.

“Tatakbo an nga ako eh. bakit kasi ang punta ka pa dito?” sigaw ko pabalik dahil hindi kami magkakarinigan dahil sa ulan.

“Malamang ang bagal mo kasi. Tsk. mamaya na nga tayo mag away, duon muna tayo.” Nguso niya sa pinaggalingan na restau. Kahit ako ay nakikihawak na din ng shirt na hawak niya at nag mamadali at maingat na tumatakbo. Pwede bay un? Hindi ko din alam.

Nag pagpag kaming dalawa nang makahakbang kami sa 2 baytang na hagdan bago makasilong.

“Pfft. Love rain ang peg niyo kanina ah.” Tawa ni Baekhyun habang nag aabot gn twalya saming dalawa.

Natawa na lang ako habang kinuha ang twalya at pinunas sa braso ko nang umangat ang tingin ko sa gawi nila Suho na nakatingin lang sa loob ng restau. Sinundan ko ang tingin at nakita ko si Mia na mabilis na nag lalakad palayo sa pwesto nila Suho.

Anong nangyari? Nag away nanaman si Chanyeol at Mia? Tiningnan ko si Chanyeol pero tulala lang siya na nakatingin sa patak ng ulan.

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Where stories live. Discover now