5th

1.4K 45 3
                                    

Sabaw ako ngayon. Kaya sabaw din ang UD. Understand? HAHAHAHAHA! :D

______

“Sa bagay. Sabi nga nila. Kapag hinaanap mo, yun ang hindi mo makita… kapag hindi mo hinahanap, yun pa mismo ang makakakita sa’yo.” Chen.

Saan mo nanaman napulot yang mga pinag sasasabi mo?” Lay habang sinisipat ng tingin si Chen.

“Aba bakit? Totoo naman diba? Kahit hindi yun yung exact word. Yun din nilalaman nun.” Apila ni Chen habang nag aayos ng mesa. “Uwi na tayo guys. Bigla akong inantok.” Aya nito sa mga lalaki.

“Kadadating ko lang aalis na?” Sehun habang kumukuha ng beer.

“Diyan ka na lang matulog sa sahig.” Nguso ni Kris sa carpeted floor.

“Woo! Ayaw ko nga. Diyan nga humihiga yung aso ni Suho tapos diyan mo ako patutulugin.” Amba ni Chen kay Kris.

“Narinig ko nanaman pangalan ko.” ngiti ni Suho habang nag kakamot ng batok.

“Ay maharot. Bakit ganyan ang ngiti mo? Parang wala ka ng balak sumimangot ah.” Apila ni Baekhyun abang nakatayo sa harap ni Suho.

Ngumiti lang ang binata at tinuon kay Chanyeol ang tingin.

“Tol. Kaano ano mo ba yung si Mia?”

“Bakit? Liligawan mo?” Xiumin.

“Type mo no?” Tao

“O crush mo?” D.O

Nahiyang ngumiti lang ang binata at dinedma ang mga mapang asar na mga mata. “Bahala kayo diyan. Kunin ko lang laptop ko.” pag mamadali nitong umalis sa harap ng mga boys. Pero bago pa siya mawala sa paningin ng mga ito ay agad itong huminto at sumilip kay Chanyeol. “Okay lang naman sa’yo kung ligawan ko siya diba?” straight forward na tanong nito dahilan para matigil sa pag lagay ng ice pack si Chanyeol sa mata niya na parang nabigla dahil sa narinig. “I’ll take that as a yes. Thanks dude!” salute pa nit okay Chanyeol na ngayon ay nakatingin sa sahig.

After ilang Segundo ay natauhan naman. “Anong sabi niya?!” gulat na tanong pa nito.

“Wala. Sabi niya pag butihan mo lang daw ginagawa mo.” Akbay ni D.O kay Chanyeol.

“Bakit kailangang mag paalam sa’yo nung mokong na yun. Anak mo ba si Mia? Tatay ka ba niya? Hindi naman diba? Sus! Iba din topak ng lalaking yun minsan eh.” Kausap ni Chen sa sarili niya.

“Basta ako… aabangan ko ang libre sakin ni Sehun.” Out of the blue na sabi ni Lay habang nakangiti at sumisilip ang malalim na dimple.

“This time naman, wag na tayong mag bar. Ang hirap mag alaga ng mga uwak eh.” aburido na sabi ni Kris.

“Hoy grabe ka. Uwak agad!” pag tatanggol sa sarili ni Chen habang umaambang batuhin ng unan si Kris.

“Totoo naman ah! Para kang nasaniban last birthday ni Sehun. Umiikot ulo mo habang umuuwak ka.” With matching actions pa na parang ginagaya ang nangyaring pag susuka ni Chen.

“Nandidiri ako kapag naaalala ko yun. Akala ko kung ano yung basang tumatalsik sakin. Yuck. Ang baboy talaga. Worse birthday mo yun Se. Wag na nating ulitin yun. Kung uulitin man, wag na tayong mag sama ng alagain.” Request ni Kai.

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Where stories live. Discover now