30th

82 8 0
                                    

"Bakit ang hirap makipag kita sayo. Sino ba artista sating dalawa?" Pambungad sakin ni Sehun habang binibuksan ko yung main door ng bahay.

Ni hindi man lang nag abala na tumingin sakin. Pinupunasan lang naman nya yung shades niya gamit yung laylayan ng longsleeves polo niya na naka fold hanggang sa elbows niya. Distracted ako sa bagong gupit ng loko, match na match din yung porma niya with his kaki shorts at boat shoes.

 Distracted ako sa bagong gupit ng loko, match na match din yung porma niya with his kaki shorts at boat shoes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pero di ko maiwas yung tingin ko sa hairstyle niya, so far eto yung paborito kong gupit niya.

"Aga aga, kakalabas ko lang reklamo na agad?" Ganti ko.

Sumilay lang yuhg ngiti niya na pang asar.

"Tara na. Gutom na gutom na ako."
Natigilan na lang din ako nung dumiretso siya sa driver side...

"Walang balak pumasok?" Baba niya ng bintana from the other side.

"Wala kang driver?" Nakasakay na din ako habang nag tatanong sa kanya.

"Wala naman ako schedule ngayon e." Suot niya ng seatbelt niya at nag start na ng engine.

Everytime I look at him, I feel really different... he seems different? Maybe its his hairstyle? Sanay siguro ako na makitang bunot yung buhok nito, nakataas or naka undercut. But this clean cut is giving him a really mature vibe, isama pati yung black hair niya.

"Bago tayo makapunta sa pupuntahan natin, lusaw na ako. Pustahan tayo." Ni hindi nag abalang tumingin ang loko, na pinag papasalamat ko na lang dahil atleast safe driver sya.

"Kapal ng mukha mo." sagot ko sa nakangisi niyang mukha ngayon.

"Sus! Okay lang yan! Wag ka ng mag deny, dalawa lang tayo dito."

"E kung sapatusin kaya kita diyan?" Pang hahamon ko sa kanya. nasilayan ko lang yung nag pipigil niyang tawa.

"Ede nadisgrasya tayo! Kasalanan ko pa!"

After ilang minuto ng katahimikan, nakarating na din kami sa restaurant na pinag reservan niya. Mukhang maganda din tong restaurant na napili niya, mukhang exclusive. Buti na lang kung hindi, baka pag kaguluhan tong kasama ko na kakasabit lang ng sunglasses niya sa polo niya. hoy hindi ako ready sa unscheduled fan meeting no!

"Nga pala, bago ko makalimutan... we are gonna celebrate CHanyeol's birhtday... 5 days from now."

"Oh... do you guys celebrate each other's birthdays?" nacurious naman ako. Ang sweet kasing pakinggan parang super close talaga nilang lahat.

"Yeah... but Chanyeol's more likely a tradition. Luhan and Chen has been doing it even they met us."

I just nodded ng maalala ko si Mia.

"Is Mia invited?"

Napanguso naman si Sehun habang kunwaring nagiisip ng malalim.

"I think nasa France pa din yung kaibigan mo, so hindi ko sure."

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon