19th

944 48 10
                                    

“Paabot naman nung plate.” Ngiti sakin ni D.O habang nakanguso sa plato sa tabi ko. Kanina pa sila ganyan, simula makita kami ni Sehun ganyan na ang mga ngiti, hanggang pag kain ba naman nag aasar pa din.

SIningkitan ko siya ng mata habang inaabot yung paper plate at lalong lumawak ang ngiti niya. “Nakakaasar ka na.” pahabol ko pa.

“What?” mahinang tawa niya “Ang pikon nito. Totoo naman yung sinabi namin na bagay kayo ah.” Ngiti pa niya sakin na kita lahat ng ipin at nag korteng puso ang labi niya.

Inirapan ko na lang siya at tinuon sa pagkain ang atensyon ko. Sinimulan namang tanggalin ni Xiumin ang foil na nakatakip sa isang malaking platter at agad naming naamoy ang mabangong pagkain na nasa loob.

“Baked salmon everybody!” anunsyo ni D.O dahilan para matigilan sa kanya kanyang ginagawa ang mga tao na nag kalat dito.

Sila Suho at Mia na busy na gumagawa ng sand castle kahit gabi na ay napatingin sa gawi naming dahil sa sigaw ni D.O, si Yeol na nakaupo sa isang log na nagigitara ay ganun din. Si Luhan at Sehun na gumagawa ng bonfire ay nag aagawan na sa posporo para masindihan na ang bonfire para makakain na sila, si Xiumin ay nasa tabi ko na at ready ng kumuha ng pagkain. SI Brooke na masama ang tingin kay Chanyeol, palagay ko nag aaway ang dalawa. SI Kris na nakaupo lang dito malapit sa mesa, si Chen at Tao ay bigla kong narinig sa gawi ng mansion at nag tatawanan habang may dala dalang isang case ng beer, naririnig ko kasi ang pag kalansing ng mga bote lalo pa at ang gulo nilang mag buhat. Sa likod nila ay si Lay na may hawak na cooler kasama si Baekhyun. At si Kai na inaayos ang mga ibang pagkain na nakahain.

“Ready na ang food!” sigaw nito. At doon na sila pumunta sa table para kumuha ng pagkain.

“Pengeng plato.” Pagpag ni Sehun sa kamay niya at inabutan ko siya ng plato. At ganun din naman ang iba, kung iisipin ay para kaming nasa buffet at ako ang waiter. Hindi, biro lang. nakakahiya naman kasi simula kanina ay ayaw akong pag trabahuhin ni Sehun.

“Saan mo gustong kumain? Dito sa table o doon na lang sa bonfire?” rinig kong tanong ni Suho.

Samantalang si Mia ay busy naman sa pag kuha ng food bago sumagot sa tanong ni Suho.

“Ahmm… dun na lang!” nguso niya sa pinaggalingan niya kung saan nakatayo, wait gumuguho pala na sand castle na ginawa nila. At sabay pa silang nag tawanan.

Nakaramdam ako ng taong nakatayo sa harap ko at agad iyong inabutan ng plato pero nabigla ako nang hawakan niya ang braso ko.

Umangat ang tingin ko at si Sehun nanaman ang nakita ko. Sabi ko na nga ba. =___=

Inabot niya sakin ang plato na hawak niya na may pagkain at kinuha sa kamay ko ang platong inaabot ko kanina.

“share na tayo sa plato.” Ngiti niya sakin. Natigilan naman ako dahil doon. Naramdaman ko naman ang mga pang asar na tingin ng mga kabarkada niya. Kanina pa sila ganyan! >.<

Gaya ng Dati [EXO FANFIC] [EXO Book 2]Where stories live. Discover now