Chapter 9 - Almost Kiss

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kausap ko lang siya kahapon. At parang wala naman siyang nabanggit sa akin na aalis dapat siya."

[Ah ganun ba... Baka nalimutan na niya. Sige okay lang.]

"Anong nakalimutan niya, bes?" Ano ba ang nangyayari? Bakit parang wala akong alam?

[Wala wala. Hehe! Kaartehan ko lang. Sige sige bye bes may klase pa ako eh.]

"Teka Bes---"

*TOOT TOOT TOOT TOOT*

Binabaan ba naman ako? Bastush! Merylle talaga oo!

Pero...

Ano naman kaya yung nakalimutan ni Caloy at parang lungkot na lungkot ang boses ni Merylle? Nakalimutan niya kaya na monthsary nila ngayon?! Anak ng gulay!!!! Sila na pala!? Hindi man lang nila sinasabi sa akin!!! Nakakatampo sila ah! Parang hindi nila ako Bes. Hmp!

Hayyy! Buti pa sila, pumapagibig!

Eh ako, pumepeke lang.

Life is unfair. :|

***

[Saavedra Medical Clinic]

"ARAYYYY!!!!!"

"WAAAAAAHHHH!!!!"

"HUHUHU!"

"DUGO!!!!"

"PAPA!!!!"

"MAMA!!!!"

"LORD!!!!"

"Okay. You're done." sabi nung babaeng nag murder ng mukha ko.

Tumayo ako at pumunta kay Shibama nang umiiyak. Ang sakit kasi! Hmp!

"Shibs! Huhuhu! Bakit nila ginawa yun sa mukha ko?!"

"Gaga! That's called treating pimples!"

"Treating?! Eh feeling ko nga lumaki lalo pimples ko eh! Huhuhu!"

"Girl! Ganyan talaga! Ikaw kasi eh, sabi ko sayo weekly ka dapat pumunta eh. Ayan tuloy, tinubuan ka ng mga sago! Pwede ka nang maging taho!"

"Normal lang naman yun noh! Hindi naman ako perfect! Baka kasi magkakaroon na ako! Nagkakapimples kasi ako kapag malapit na ako magkaron eh!"

"Wushu! Baka naman kasi masyado kang in love!"

"Hayyy!!! Eto nanaman ba tayo, Shibs?"

"Ayiieeee. Miss mo siya agad?"

"Tss."

"Yikeee."

"Shibs!"

"Okay. Okay. I'll stop. Kinikilig kasi ako ee!"

"Lika na nga! Umuwi na tayo!"

"No! Itreatreat pa ang skin mo!" Pagtutol ni Shibama.

"Hindi pa tapos? Eh ang hapdi na nga ng mukha ko eh. At wala na akong pimples!!!"

"Pero madami kang peklat! Peklatin ka, girl, peklatin! Taho na nga yang mukha mo! Zagu naman yang binti mo! Pwede ding sago't gulaman! San ka ba kasi nagsususuot?!"

"Ouch naman. Sakit mo naman makapagsalita, Shibs! Huhuhu! Sumosobra ka na ha!! Porket gwapo kang bakla ka! Huhuhu!"

"Wag ka ngang maarte girl! Kailangan mo ito! At excuse me, hindi ako gwapo!!! Maganda ako! Maganda us!!!"

My Wacky Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon