Chapter 51

4.4K 61 7
                                    

Kabababa pa lamang ni Miggy sa tricycle nang makita niya ang pamilyar na sasakyan sa tapat ng kanilang bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabababa pa lamang ni Miggy sa tricycle nang makita niya ang pamilyar na sasakyan sa tapat ng kanilang bahay.

"Kay Mommy ito, ah," tanong niya sa sarili.

Nakaramdam siya ng kaba. Alam niyang may mangyayaring hindi maganda lalong-lalo na't nasa loob si Vera.

Dali-dali niyang binuksan ang gate at nagtungo kaagad sa bahay.

Ngunit pagkapasok pa lang niya sa loob ay gumulantang kaagad sa kanya ang duguang katawan ng dalawang babae na nakahandusay sa sahig.

Naroon din si Vera, takut na takot at nangangatal ang mga tuhod na nakatingin sa kanya.

"M-m-miggy..."

"Ano'ng nangyari? Ano 'to!?" nanghilakbot sa takot na tanong niya.

Lumapit siya sa katawan at nanlaki ang mga mata niya nang makita na sina Miranda at Seba iyon. "Mommy? Yaya?" Itinapat niya ang daliri sa ilong ng dalawa, pero hindi na sila humihinga. "Mommmy!"

"H-hindi ko sinasadya, Miggy! Hindi ko sinasadya!"

"Pinatay mo sila!?"

"S-sinubukan kasi akong saktan ni Tita Miranda kaya gumanti ako. Binantaan niya ako na ipahuhuli raw ako sa pulis kapag hindi ako umalis. L-Lumaban lang ako!"

"Kaya pinatay mo siya, pati na rin si Yaya Seba? Nababaliw ka na, Veraaa!"

"P-patawarin mo 'ko! Hindi ko talaga sinasadya! Hindi Miggy, hindi!"

Tumulo ang luha sa mga mata ni Miggy. "Paano mo nagawang patayin ang mga taong walang kalaban-laban!"

"M-maniwala ka sa 'kin, hindi ko ginusto na patayin sila! Iniligtas ko lamang ang sarili ko, Miggy!" Lumapit si Vera at niyakap siya. "Maniwala ka! Nagsasabi ako ng totoo!"

"Sinungaling!"

"Miggy, please..."

"Bitawan mo 'ko!" Inalis ni Miggy sa pagkakayakap si Vera at itinulak ito papalayo. "Hindi na ako naniniwala sa 'yo! Alam kong sinadya mo silang patayin! Sinira mo na nga ang relasyon naming mag-asawa, pinatay mo pa ang mahahalagang tao sa buhay naming dalawa! Wala kang puso! Demonyooo!"

"Miggy, nagawa ko lang naman ito dahil ayaw kong ilayo ka nila sa 'kin. G-gano'n kita kamahal, Mig---"

"Anong pagmamahal do'n? Pumatay ka ng tao! Idinamay mo pa ang mga tao na hindi naman kasali sa problema natin!"

"Please, Miggy... patawarin mo 'ko. Maniwala ka man o hindi, nagawa ko iyon dahil mahal na mahal kita. I don't want to lose you. Ayokong mapunta ka kay Francine. Nagmamahalan tayo, hindi ba?"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na wala nga akong nararamdaman para sa 'yo!?" Nilapitan niya si Vera at hinawakan sa magkabilang-balikat ng mahigpit. "Si Francine lang ang mahal ko at kahit kailan hindi iyon magbabago! Hindi kita mahal!"

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon