Parang nag-re-replay sa utak ko ang sinabi ni Drake.

"W-wala pa po. Excited much, mama Zandy? Any tips po ba from you? Sabi ni mama, expert ka daw eh. " pinilit ko pa magbiro para pagtakpan  ang hikbi ko.

Tinawanan ako nito at matapos ang ilang minutong pag-uusap ay tinapos na nito ang tawag para daw makapagpahinga na ako . Siguro kung malalaman nya lang ang nagawa ko ay kamumuhian nya rin ako. Parang di ko kayang pati sya ay magalit sa akin. Maaari ding masira ang pagkakaibigan nila ni mama pag nagkataon.

Nagpasya akong bumangon. Tatayo na sana ako pero napabalik ako sa kama sa hapdi nang nasa ibaba ko. Huminga na lang ako nang malalim. Kahit hindi ako makalakad nang ayos, nagpasya akong bumaba at maghanda ng makakain.

Naglibot din ako sa bahay namkn. The house is screaming wealth and elegance. Halos puti at gray lang ang kulay na nakikita ko. Very masculine. Kahit ang mga muwebles na mukhang napakasimple pero alam mong mahal ang mga iyon. Mukhang kami lang dalawa ang tao dito dahil wala man lang akong nakasalubong ni isang kawaksi.

Nagpasya akong matulog pagkatapos kong kumain para makabawi ang katawan ko. Nagising din ako bandang hapon at napagpasyahang magluto ng dinner namin.

Pagsisilbihan ko siya at magiging mabuting maybahay. Baka sakaling mapatawad nya ako ng paunti unti. At  pag napatawad na niya ako, magsisimula kaming muli at bubuo nang masayang pamilya. Napangiti ako sa naisip at nabuhayan ng loob.

I set the table and lit a candle for a romantic ambiance. Nagsuot din ako ng dress na hanggang taas ng tuhod ko. Nagmake up pa ako at nagpabango.

He should be here by 7. Excited na akong matikman niya ang luto ko. Isang oras na ang nakalipas pero wala pa din siya.Baka nag overtime lang.

Lumipas ang dalawa, tatlo apat na oras pero hindi siya dumating. Nakatulog na ako sa sofa sa kahihintay. Halos paupos na din ang kandila sa lamesa. Napabuntong hininga ako.

Bigla kong narinig ang pagdating ng kotse niya. Tiningnan ko ang orasan. Alas dos na pala nang madaling araw!

Dali dali akong bumangon at nagayos ng sarili. Tinungo ko ang pintuan para salubungin siya pero hindi pa ako nakakalapit nang bumukas ito.

At parang sinaksak ang puso ko sa sumalubong sa akin. Nakaakbay siya sa isang babaeng halos wala ng itinago sa pananamit nito. Mukhang nakainom si Drake.

Bukas ang ilang butones ng polo nito habang gulo gulo ang buhok ng babae. Nagtatawanan pa silang dalawa na tila di pansin ang presensya niya.

"D-drake..." nangangatal ang labi ko.

"Oh, may kasama ka pala sa bahay mo? Sino siya?" tanong ng babae.

"Don't mind her. She's the maid here." sabi ni Drake." Ipaghanda mo nga ng makakain si Veronica!" bulyaw pa nito sa akin.

Napahagikhik ang babaeng kasama niya. Napapikit ako para pigilin ang luhang nagbabadyang pumatak sa pisngi ko. Ilang babae na ba ang nakita kong kasama niya? Bakit di pa rin ako masanay sanay.

"Ano pang ginagawa mo?! Bingi ka ba?!" bulyaw ni Drake.

Napapitlag ako at nagmamadaling nagtungo sa kusina. Duon lumabas ang luhang kanina ko pa pinipigil.

Nakita ko pa ang pagkaing inihanda ko para sana sa dinner namin. Naupos na nang tuluyan ang kandila nito. Lumabas ako ng kusina dala ang juice nila pero nanlaki ang mata ko sa nasaksihan.

Nakaupo si Drake sa sofa at nakakandong paharap ang babae habang sila'y naghahalikan!

Agad nagdilim ang paningin ko! Hindi na nila ako nirespeto. Tinungo ko ang kinaroroonan nila at ibinuhos ang malamig na juice sa kanilang dalawa. Napasigaw ang babae sa gulat.

"Walanghiya kayo!" galit kong turan sabay hila ng buhok ng babae nya.

Kinaladkad ko ito palabas habang hila pa din ang buhok nya.Pinagsasampal ko pa ito! Galit na galit ako.

Naramdaman ko ang paghigpit ng isang bakal na kamay sa aking braso.

"What the hell do you think you're doing, huh?!" nanlilisik ang matang tanong ni Drake sa akin.

"Ikaw?!Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?!" balik kong tanong sa kanya.

"I will do whatever I want!This is my house! Sino ka ba sa palagay mo?!"

"I am your wife!Baka nakakalimutan mong kakakasal lang natin!"

"Wife?" pagak itong tumawa."I don't have a murderer wife! "Nanlilisik ang matang turan neto sakin.

Hindi ako nakaimik dahil totoo naman. Kinakain ako ng guilt ko. Sa tuwing naaalala ko ang ginawa ko, naduduwag ako.

" You're just one of my sluts, remember that." dagdag pa nito." Since you let my free pu$$y go, you have to pay for it!" At nakita ko kung paano niya inalis ang sinturon niya.

Akmang hahakbang ako palayo nang hinila na naman niya ang buhok ko at padarag na tinulak sa sofa.

Agad niyang pinunit ang damit na suot ko. At sa muling pagkakataon, inangkin niya ako ng walang pakundangan at walang ingat.

Ipinikit ko ang aking mata at pinigil ang pag-alpas ng masaganang luha. Kakayanin ko. Kakayanin ko para sa kapatawaran mo Drake.

********************************

Taming My Ruthless Husband (Revised) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant