SEVENTY-THREE

133 9 2
                                    

Lizette Ramirez
26 mins ago

"I know its been hard being not been there, baby, I don't want you think that I really don't care..."

Lian Nobles and 49 others like this
view all comments:
Lian Nobles: I love that song! ❤
       | Lizette Ramirez: Me, too! 😊

Judea Ramirez: Bakit parehas yata kayong nag-e-emote ng lover boy mo, Ate? 😂
       | Lizette Ramirez: What?
       | Judea Ramirez: Tingnan mo kasi 'yong latest status niya, Ate. Haha!

--

Sabi na nga ba hindi pa nakaka-move on si Ate Liz
8:37 PM

Mckay: Ate Lizette!

Seen by Lian, Judea and Joko

Judea: Hindi yata online si Ate.

Lian: Baka OT na naman.

Seen by Mckay, Joko, Judea and you

Yes? Problem?

Mckay: Nag-away ba kayo?

Who?

Joko: Luh, si Ate Liz, painosente pa. Siyempre, si Ken.

Bakit n'yo itinatanong?

Judea: I told you, Ate, tingnan mo 'yong post. Di mo pa ba nakikita?

Nope. Anong post ba?

Busy ako maghapon sa office.

Mckay: Pictures ng alak, tapos kasama 'yong mga kaibigan niya yata. Tapos sobrang emo ng caption. Haha!

Mckay: Di ba, hindi nag-iinom 'yon?

Hindi.

Lian: So, nag-away nga kayo?

Sort of.

Lian: Please elaborate, Ate Liz.

Ay wow! Remind me nga kung sino ang pinakamatanda dito.

Joko: Ikaw, Ate Liz. Thunders ka na, eh. Hahaha!

Tse! Buset!

Judea: Make kuwento na, Ate Liz. Bilis!

Joko: Ang tsismosa talaga ni Pango.

Judea: Walang may pake sa 'yo, Kuya Joko.

Magkukuwento ako o mag-aaway kayo?

Lian: Kuwento na, Ate!

Simple lang naman. Nagselos kay
Juan GDL. Eh, para namang kilala ako ni Juan, di ba?

Lian: Seriously? Dahil lang doon? Ang babaw, ah.

That's what I told him.

What can I do? I'm a fangirl at heart.

Nagseselos daw siya dahil bakit daw kay Juan, nagagawa kong ipakita sa lahat na kinikilig ako.

Hanggang sa nagtalo na kami sa chat.

Sabi niya, natatakot lang naman siya na baka dahil sa nagawa niyang mali noon, wala pala siyang aasahan sa akin. Kasi wala naman daw akong sinasabi o ipinapakitang assurance na mahal ko rin siya katulad ng pagmamahal niya.

Seen by Mckay, Lian, Joko and Judea

Mckay: Which was true, Ate.

Mckay: You can't blame him for feeling that way.

What?

Hindi pa ba assurance 'yong pinatawad ko siya at okay na ulit kami?

Na hinahayaan ko na ulit siyang manligaw?

Mckay: Yes, siguro para sa 'yo, okay na 'yon. Pero what about him? Tinanong mo ba siya, Ate?

Mckay: Kasi, from a guy perspective just like me, hindi sapat 'yon.

Mckay: Hanggang hindi mo sinasabi sa kanya na mahal mo siya at sinasagot mo na siya, hindi 'yon matatahimik. Kasi iisipin at iisipin niya na baka di ka pa rin nakakalimot sa kasalanang nagawa niya dati.

Lian: Wow!

Lian: Kuya, ikaw ba 'yan? #GalingSaWordOfWisdom Hahaha!

Mckay: Oo. Haha! Kapag kasi guwapo, may sense din dapat kausap.

Lian: Okay na sana, eh. Nagyabang lang.

Joko: Tama si Mckay, Ate Liz! Makinig ka sa amin!

Judea: Nasaan ang wisdom sa sinabi mo, Kuya Joko? Hahaha!

Well...

Mckay: Anong well, Ate? Tama ako, di ba?

May nakalimutan pa akong sabihin.

Judea: Ano, Ate?

Dahil nga nagtatalo na kami at lumalabas na ang insecurities niya...

Bigla kong nasabi na...

Joko: Na ano, Ate? Pabitin ka rin, eh.

Na mahal ko siya.

Lian: OMG!

Judea: Waaa!

Mckay: Hahahaha! Lucky for him. Dahil sa pagtatalo n'yo, napaamin ka niya.

Joko: Dalaga na si Ate Liz! Hahaha!

No Good Without YouWhere stories live. Discover now