TWENTY

146 16 5
                                    

Ken Alvarez
8:23 AM

Ken: Good morning, Liz. 😃

Ken: Alam ko, tulog ka pa. I just wanted to greet you.

Ken: See you later! 😁

Seen, 9:02 AM

Ken: Gising ka na? Nakatulog ka ba nang maayos?

Ahm, hello po.

Ken: Hello po? Lizette, is that you?

Ay, hindi po.

My name's Judea. Pinsan po ako ni Ate Lizette.

Ken: Oh! Hi. Tulog pa ba si Ate mo?

Yes po.

Actually, katutulog lang ulit niya after uminom ng gamot.

Ken: Gamot? Bakit?

Nilalagnat po kasi siya.

Ken: What? Is she okay?

Medyo okay naman na po.

Eh, bago siya nakatulog uli, ipinakisuyo na pakisabi daw sa 'yo na baka di na muna uli kayo matuloy mamaya? Basta something like that po.

Ken: Oh... Okay.

Ken: Tell her to get well soon and don't forget to drink her meds.

Okay po.

Ken: Thanks!

Seen, 9:07 AM

--

D' Ameyzing Family
10:39 AM

Judea: Naka-chat ko 'yong lalaking may gusto kay Ate Liz. 'Yong Ken? Hahaha!

Seen by everyone except Lizette

Lian: Talaga? Kumusta naman?

Judea: Englisero, te. Hahaha!

Judea: At parang nadismaya nang malamang hindi na naman tuloy ang date nila ni Ate Liz. 😂😂😂

Mckay: Aba, tingnan mo nga naman. May nabulag talaga kay Ate Liz.

Jasser: Hahahaha!

Mckay change the group name to "Pamilyang nakakabulag"

Joko: Hahaha! Lagot kayo kay Ate. Pasalamat kayo at may sakit 'yon ngayon.

Jasser: May sakit nga ba? Baka nagdadahilan lang 'yon? Ate @Lizette, may sakit ka nga? Hahaha!

Lian: Bakit naman magdadahilan si Ate @Lizette? Parang guwapo naman 'yong Ken. Hindi na masama. Hahaha!

Mckay: 'Yon na nga! Takot kasi sa guwapo si Ate Liz! Hahaha!

Judea: 'Wag kayong judgmental. May sakit talaga si Ate Liz. Slight nga lang. Hahahaha!

--

Lian Nobles▶Lizette Ramirez
7 mins ago

Ate, may sakit ka ba talaga? Bakit parang enjoy na enjoy ka sa pagma-marathon sa While You Were Sleeping? 😂😂😂

Judea Ramirez, Raizen Pontanoza and 33 friends like this
view all comments
Raizen Pontanoza: Mahal kasi namin ni Ate Liz si Jong Suk! 😍😍😍

Mckay Nobles: Nakow, baka wala naman talagang sakit. Hahaha!

Lizette Ramirez: @Raizen, Jong Suk's mine! 😒 @Mckay, lintek ka! May sakit talaga ako!

Mckay Nobles: Hahaha! Gusto mong marshmallow?

Lizette Ramirez: Yes, please? 😍😍😍

Lian Nobles: 'Yon! Marshmallow lang pala ang kailangan.

Lizette Ramirez: 😂😂😂

No Good Without YouWhere stories live. Discover now