THIRTY-FOUR

145 14 4
                                    

Shanty Alvarez
11:20 AM

Shanty: Liz!

Shanty: May date uli kayo ni Kuya? 😍😂

Seen, 11:22 AM

11:23 AM

Ah... Yes. 🙈

Paano mo nalaman?

Sinabi niya sa 'yo?

Shanty: Hahaha! Hindi. Pinaamin ko kasi siya.

Shanty: Nagpagupit kasi ng buhok ang loko tapos bumili ng bagong damit. Isusuot daw bukas.

Shanty: Nagtanong ako kung saan ang punta niya. Noong una, ayaw pang sabihin sa akin. Nang sabihin kong isusumbong ko sa 'yo, 'yon, umamin na.

Shanty: Hahaha!

Ikaw, huh, ibinubuking mo ang kuya mo.

At dakilang blackmailer ka pa. 😂

Shanty: Hahaha! Ganoon talaga.

Shanty: Pero, Liz...

O?

Shanty: Can you do me a favor?

What is it?

Shanty: Just trust my brother. I know very well that he likes you.

How did you know?

Shanty: I just know. 😏 And I want the both of you to be happy. Ako ang unang-unang magiging masaya kapag masaya kayo.

Shanty: Alam ko, masyadong mabilis. Sa Facebook lang tayo nagkakilala, kayo nagkakilala. Pero ngayon ko lang nakita ang ganoong side ni Kuya.
😱😱😱

Susko! Bakit ang seryoso mo?

Dapat na ba akong kabahan?

Shanty: Baliw! Hahaha!

--

Mckay Nobles
1:13 PM

Mckay: Ate Liz, puwede ka bukas?

Seen, 1:14 PM

Anong oras? Anong meron?

Mckay: Mga 7 PM siguro.

Mckay: Birthday ni Andoy, pinapupunta tayo.

Ay, oo nga pala. Kaya lang, di ako puwede bukas. 😞

Mckay: Bakit?

May pupuntahan ako, eh.

Mckay: Saan?

Ah, eh... Bakit ba ang dami mong tanong? 😒

Mckay: Date?

Seen, 1:16 PM

Mckay: Aba, seen lang? So, date nga?

Seen, 1:17 PM

Mckay: Tsk! Ipakilala mo na sa amin 'yan, Ate, ah.

I will. Soon!

Mckay: Maghanda na kamo siya sa hot seat. 😏😏😏

Tse! Hahaha!

--

Ken Alvarez
8:36 PM

Ken: Excited na ako para bukas! 😉

Bakit? Ano bang meron bukas?

Ken: Lizette!

Hahaha!

Joke lang.

Bakit ka naman nae-excite, eh, nakita mo naman na ako.

Ken: Excited ako na lagi kang makita.

Naku, naku! #HokageMoves ka na naman.

Ken: Kilig ka naman?

Hindi, ah.

Ken: Hahaha!

Tse! 😒

Ken: Favorite word. 😁

Tumigil ka dyan, Lancer Ken Alvarez!

Ken: Lagot, binuo na ang pangalan ko. 😁

Hahaha!

'Oy, in all fairnes, huh? Maganda ang pangalan mo. Puwedeng gawing hero sa nobela.

Puwede ko bang hiramin ang name mo para sa sinusulat ko?

Ken: Puwede naman.

Ken:  Pero sa isang kondisyon.

Ano namang kondisyon?

Ken: Dapat Lizette ang pangalan ng ka-partner ko.

Nye nye.

Ken: Uy, kinikilig na talaga 'yan! Haha!

Ang lakas mong mang-asar, eh, 'no?

Ken: Hindi, ah. Naglalambing lang. 😁

Ewan ko sa 'yo.

Dyan ka na, matutulog na ako.

Ken: Maaga pa, ah.

Inaantok na ako.

Ken: Sus, kunwari pa siyang inaantok na. 😁

Seen, 8:45 PM

Ken: Liz, joke lang 'yon, ah.

Seen, 8:46 PM

Ken: Sige na nga, matulog ka na.

Ken: See you tomorrow!

Ken: Goodnight! Dream of me. 😘

Seen, 8:48 PM

No Good Without YouWhere stories live. Discover now