SIXTY-SIX

122 15 9
                                    

Lizette Ramirez
2 hours ago

Sana panaginip na lang ito. Pero... hindi, eh. Watamigonnado? Naiiyak na talaga ako. 😭😭😭

Lian Nobles, Mckay Nobles and 23 others reacted to this
view all comments:
Joko Ramirez: Ate, ano yan?

Lian Nobles: Ate! Problem? 😞

Judea Ramirez: Ate, chat sa GC!

Ken Alvarez: Hey, what's this?

--

Ken Alvarez
10:46 AM

Ken: Liz? What's wrong?

Ken: Liz!

Ken: Kapag nag-online ka, mag-reply ka agad, okay?

Ken: You're making me worried.

Seen, 11:33 AM

Hey!

Ken: Finally, nag-reply ka rin.

Ken: What happen to you?

Ken: Okay ka lang ba?

Okay lang ako.

Ken: Mabuti naman kung ganoon.

Ken: Bakit ganoon ang status mo? May nangyari ba?

Ahm, medyo? 😞

Ken: Ano 'yon?

Nandito kasi ako ngayon sa BIR sa Calamba.

Ken: Di ka pumasok?

Naka-leave ako ngayon.

May kailangan kasing asikasuhin.

Ken: O tapos? Anong nangyari?

Well... Dapat kasi magpa-print na ako ng receipt ko dito sa BIR. Basta mahabang kuwento kung bakit magpapa-print ng receipt.

Eh, dahil nga nagkaroon ako ng trabaho sa Manila, di ko agad naasikaso. Di pa daw ako makakapagpa-print kasi may penalty na raw ako na dapat bayaran. 😭😭😭

Ken: Penalty? Magkano naman daw?

21k daw! 21k! Saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga? 😭😭😭

Ken: What? Bakit daw ganoon kamahal?

Hindi ko alam, eh.

May kakausapin pa ako dito. Pakiusapan ko raw na kung puwede mas mababa ang bayaran kong penalty.

Ken: Sana nga mas mababa lang 'yong penalty.

Ken: Relax ka lang, magagawan natin 'yan ng paraan, okay?

Ken: Teka, kumain ka na ba?

Hindi ako makakakain sa ganitong sitwasyon!

Ken: Kumain ka na muna! Hindi makakatulong ang pagpapalipas mo ng gutom.

Ayoko nga.

Ken: Lizette! Huwag matigas ang ulo! Kumain ka na muna!

Fine, fine.

Ken: Very good. 😃

--

1:16 PM

What the?

Lancer Ken Alvarez!

Sa 'yo nanggaling ito?

May nag-text sa akin!

Palawan Express!

22k? Seryoso?

Seen, 1:19 PM

Ken: Ah... yes. Galing 'yan sa akin.

Pero bakit? Paano? Hala!

Ken: Hey, okay lang 'yan. 'Wag ka ng masyadong mag-isip. 😃

Pero...

Ken: Lizette, listen, okay?

Ken: Ipinadala ko 'yan kasi ayaw ko ng mag-alala ka pa. Ayaw ko ng iiyak ka kung mayroon naman akong puwedeng magawa.

Ken: Hindi ko 'yan ibinigay para magyabang. I did that to help you. Kasi concern ako sa 'yo. Kasi mas nag-aalala ako kapag nag-aalala ka.

Seen, 1:24 PM

Maraming salamat, Ken.

'Wag kang mag-alala, babayaran agad kita kapag nakasuweldo na ako. Hindi man buo, basta babayaran kita.

Ken: Don't mention it. Ang mahalaga, okay ka na.

Ken: Okay ka na ba?

Yes. Thank you ulit.

Ken: Good. 'Wag ka ng umiyak. Wala pa naman ako d'yan para punasan ang mga luha mo.

Argh! Ewan ko sa 'yo!

Susko ka, Alvarez!

Ken: O, bakit? Hahaha!

Umamin ka, saan ka kumuha ng 22k agad-agad?

Ken: Nang-holdap ako para lang sa 'yo. 😉

Tse! RK ka talaga, eh, 'no?

Ken: Hindi, ah. Ipon ko sana 'yan para sa kasal natin.

Tse!

Ken: Hahahaha!

--
Yosh! Buhay pa ako, ah. Hahaha! Sobrang busy lang talaga. 😂😂😂

Yung update ngayon, may katok ng realidad. Alam yan ng iba sa inyo. 😂😂😂 Happy reading, everyone. 😃

No Good Without YouWhere stories live. Discover now