FORTY-NINE

125 12 2
                                    

Operation: Tulungan si Ate Lizette Mag-move on
1:30 AM

Nakakainis!

Seen by Jasser, Joko, Mckay and Lian

Jasser: Bakit?

Aba, bakit gising pa kayo?

Joko: Eh, bakit ikaw, Ate Liz, gising pa rin?

Mckay: Baka may ka-chat?

Jasser: Sino naman? Eh, pinaalis na ni Ate Liz sa buhay niya 'yong Ken.

Huy! Manahimik kayo!

Nagtatrabaho ako, okay? Tsk!

Joko: Nagtatrabaho, pero naka-online. Haha!

Lian: Bakit ka naiinis, Ate Liz?

Nakakabuwisit kasi 'yong babaeng sender sa Dear MOR replay.

Jasser: May Dear MOR pa pala?

Oo, meron pa.

Lian: Bakit ka naiinis sa sender, Ate?

Eh, kasi nakipagrelasyon sa prof niya na may asawa! Tapos hanggang sa maka-grad siya at makapag-asawa na rin, sila pa rin ng prof niya.

Ayokong maging judgmental, pero pakalandi, eh! 😤

Mckay: Hindi ka pa judgmental sa lagay na 'yan, huh, Ate? Haha!

Oo! Hahaha!

Eh, kasi naman. Nakakaawa kaya 'yong asawa niya na mahal na mahal siya. Ang tagal na niyang ginagago.

Joko: Ate Liz, hugot na hugot ka d'yan, ah. Haha!

Eh, totoo naman kaya!

May karma din 'yang mga cheaters na yan!

Jasser: You mean, makakarma din sina Gian at Ken?

Grrr! Ewan ko sa inyo!

Mckay: Hahaha!

Joko: Pero maiba tayo.

'Ayan ka na naman sa maiba tayo, Joko!

Joko: Hahaha! Wala pa nga akong sinasabi, eh.

Mckay: Ate Liz, 'wag ka ng tatakas!

Oo na!

Lian: Hahaha! Hot seat!

Jasser: Napapaisip lang din talaga kami kung sino 'yong nagpapadala sa 'yo ng mga regalo, Ate.

Kahit naman ako.

Joko: Pero may hinala ka na kung sino?

Uh, yes? Pero imposible, eh.

Lian: Sinong hula mo, Ate Liz?

Si... Ken?

Pero imposible talaga, eh.

Mckay: Bakit naman imposible?

Hindi naman niya kasi alam kung saan ako nakatira.

Jasser: Naman, Ate Liz! Sa panahon ngayon, ang dami ng paraan! Hindi imposibleng malaman agad n'on ang address mo!

Joko: Saka, di ba, Ate, sabi mo may kaya ang pamilya nila? For sure maraming connection 'yon!

Mckay: Saka, isa pa, sikat ka na rin in your own way, Ate. Di ka man kasingsikat ng ibang writers d'yan, kilala ka na. Puwedeng magtanong-tanong 'yon.

Teka nga...

Bakit parang ina-assume n'yong si Ken nga talaga?

Lian: Eh, ikaw, Ate, paano mo naisip na puwedeng si Ken nga ang mystery sender mo?

Kasi mas imposibleng si Gian 'yon. Never kasing ginawa ni Gian ang ganyan kahit super lala ng away namin.

Mckay: So... bakit nga si Ken?

Argh! Ewan ko. Gut feeling?

Jasser: O baka naman umaasa ka lang na si Ken 'yon.

Lian: Ate! Naku!

Joko: Tama, tama! 'Wag masyadong umasa, Ate. Masakit sa puso. Hahaha!

Ewan ko sa inyo!

Magsitulog na nga kayo!

Mckay: Hahaha! Umiiwas na naman.

Tse! 😒😒😒

--

9:43 AM

Judea: Ang aga ng delivery para kay Ate Liz!

Seen by everyone except Lizette

Lian: Ano namang bigay ngayon?

Judea: Teddy bear! Ang gandaaa!

Raizen: Yayamanin talaga 'yang admirer ni Ate Liz. Syalen!

Lian: Tsk! Magpakilala siya, hindi 'yong pamisteryoso pa siya.

Lance: Ate Lian, aga-aga ang init ng ulo mo. Haha!

Mckay: Baka gusto rin ng regalo. Nasaan na ba si Andoy? Hahaha!

Andoy: Present!

Andoy: Good morning, Lian. 😃

Lian: Uh, morning!

Joko: 'Yon, o! Tam-es! Hahaha!

Joko: Buti na lang wala ngayon si Ate Liz. Isa pang bitter 'yon, eh. 😂

Maxenne: Hahaha! Tama, tama!

Judea: Grabe kayo kay Ate Liz. If I know, di n'yo afford na magbigay ng ganyan sa mga babae n'yo.

Lian: Hahaha! Tama!

Joko: Aba, choosy pa sila? Dapat maging masaya na sila kahit fishball lang ang kaya naming ibigay. At least may bigay.

Mckay: Tama! Effort pa rin 'yon. Saka, presensiya pa lang namin, kikiligin na sila. 😏

Raizen: Eeww!

No Good Without YouWhere stories live. Discover now