SEVENTEEN

169 18 6
                                    

Shanty Alvarez
11:05 PM

Shanty: Girl! Pumayag ka ng makipag-date kay Kuya?

Shanty: Hahaha!

Seen, 11:08 PM

11:10 PM

Uh... Yes.

Tell me, hindi ba ako nagkamali ng desisyon?

Hahaha!

Shanty: Hahaha! Hindi naman.

Shanty: Mabait naman si Kuya, may pagkasuplado lang talaga siya.

Huh? Ang kuya mo, suplado?

Really? 😂😂😂

Shanty: Haha! Totoo. Kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi siya ganoon sa 'yo.

Shanty: Baka tinamaan talaga sa 'yo ang kapatid ko. 😏😏😏

Tigilan mo nga ako sa pagngisi mong ganyan.

Shanty: Hahaha!

Hmm, but seriously, what he's like?

I mean, your kuya?

I can see that you two are very close.

Siguro naman kahit sinasabi mong "suplado" siya, close naman siya sa inyo, sa 'yo pati na sa parents nyo.

Shanty: Not really.

What do you mean?

Shanty: Well, super close kami ni Kuya. Pero sa mga magulang namin? Parang hindi na nga sila nag-uusap, eh. 😞

And why is that?

Shanty: Not my story to tell.

Shanty: But, Liz?

Yes?

Shanty: My brother maybe just like that. Maloko man sa 'yo, prangka o suplado man sa iba, he's a good guy. At hindi  ko ito sinasabi dahil kapatid ko siya.

Shanty: I heard you're a Psych grad. I know you can see through him. Well, I hope.

Susko! Shanty naman! Hindi ako sanay na seryoso ka!

Shanty: Hahaha! Goodnight, Liz.

Shanty: And enjoy your date with my brother! 😉

--

Ken Alvarez
1:46 AM

Ken: Gising ka pa rin?

Seen, 1:50 AM

Yes! Ganitong oras talaga ako gising.

Aswang na nga ang tawag sa akin ng mga pinsan ko.

Hahaha!

Ken: Paano, ang unusual naman kasi ng sleeping habit mo.

Sa ganitong oras kasi talaga ako nakakapagsulat o nakakapag-edit nang maayos. Tahimik kasi at wala ng gising.

Ken: Weh? Eh, sino 'yang gising na katabi mo?

Tse! Di mo ako matatakot, 'no?
Hahaha!

Ken: Hahaha! Di ka matatakutin?

Hindi masyado. Kapag siguro nakakita na talaga ako, baka doon ako mag-freak out. 😂

Ikaw ba? Matatakutin ka?

Ken: Not really.

Hmm...

Ken: What?

Magkuwento ka nga about you.

Ken: Whoa! Dapat na ba akomg magpa-party kasi finally, interesado ka na sa akin?

Buwisit! Interesado agad?

Hindi ba puwedeng nagtatanong lang para may dagdag info ako kapag gusto na kitang ipa-blotter?

Ken: Hahaha!

Ken: Ano bang gusto mong malaman?

Anything.

Ken: Well, hmm... Ano nga ba?

Ken: Magtanong ka na lang kasi.

Ahm, dalawa lang ba kayong magkapatid ni Shanty?

Ken: Nope. 3 kami, but our eldest... She's not with us.

What do you mean by that? Hindi siya sa inyo nakatira?

Ken: Yeah. She's somewhere, pursuing her dreams.

Oh, okay.

Ken: Ikaw, ilan kayong magkakapatid?

Dalawa lang kami. I'm the eldest.

Ken: Ah, panganay ka pala.

Yeah. Kaya nga minsan, parang gusto ko ring magkaroon ng panganay na kapatid. Well, a kuya to be specific.

Ken: Bakit?

Anong bakit?

Ken: Bakit gusto mong magkaroon ng kuya?

Ah...

Eh, siyempre, gusto kong maranasan 'yong may nagtatanggol sa akin, may nag-aalaga. 'Yong kapag may nang-away, may reresbak para sa akin. 'Yong kahit inaasar ako, ramdam ko pa rin ang pagmamahal sa akin.

Ken: Hindi lang naman mga kuya ang puwedeng gumawa ng ganyan.

Well, yes. Ganyan naman ang kapatid ko at mga pinsan kong lalaki sa akin kahit mas matanda ako sa kanila.

Pero parang iba pa rin talaga kapag may kuya ka.

Ah, ewan, ang gulo ko. Hahaha!

Ken: Puwede ko rin namang gawin para sa 'yo ang ganoon. If you will let me.

You mean, puwede kitang maging kuya?

Hahaha!

Ken: Baliw!

Ken: Walang kuya na romantically involve sa kapatid.

😱😱

Okay, next question.

Ken: Hahaha!

Ken: Ang galing talagang umiwas.

Ken: Mamaya na lang uli 'yong questions mo.

Ken: Matulog ka na muna. Mag-beauty rest. May date pa tayo bukas.

Hindi ako umiiwas, 'no?

Ken: Hahaha! Oo na lang.

Ken: Tulog na, Liz!

Ken: Goodnight! 😘

Oo na!

Nyt!

No Good Without YouWhere stories live. Discover now