FORTY-FOUR

137 14 4
                                    

Blogspot.com
IamBleedingWords posted a blog

Ang ironic lang talaga ng buhay. Kapag sobrang saya mo, asahan mo may kapalit na lungkot. Sobra-sobra pa. Parang noong nakaraan lang, parang nasa cloud 9 ang pakiramdam ko sa post ko dito. Pero ngayon, ibang-iba. In my case, hindi lang lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong sakit, lungkot, panghihinayang at ang pakiramdam ng niloko. Parang sasabog ang dibdib ko sa halo-halong emosyon na mayroon ako ngayon. Well, kasalanan ko rin naman, eh. Ang bilis kong nahulog at magtiwala, kaya ngayon, iiyak-iyak ako ngayon. Pero alam n'yo, kahit nasasaktan at umiiyak ako ngayon, di ako nagsisisi sa nangyari. Bakit? Dahil naranasan ko uli kung paano magmahal at mahalin... kahit di ko alam ngayon kung totoong minahal nga ba ako.

Sa totoo lang, gustong-gusto kong pakinggan ang mga paliwanag niya, pero dahil nasaktan ako, naniniwala ako na kailangan ko muna ng oras. Hindi ako nagpapa-bebe. Shit lang ang magsasabing nagpapa-bebe ang mga katulad kong nasasaktan lang naman. Oo, mahal ko siya, hindi naman agad mawawala 'yon dahil sa nalaman ko na niloko niya ako. I just need some time alone to think... for me to forgive him. Bakit naman hindi, di ba? Mahal ko pa naman siya.

At shit lang din ang mag-iisip na immature at pabebe ang move na ginawa ko when I blocked them. Knowing them, especially him, alam kong kahit nagsabi na ako na bigyan ako ng space and time, mangungulit pa rin siya. Assumera ba ako? Nah, I don't so. I just know him well kahit sandali pa lang kaming nagkakakilala. At paano ako makakapag-isip kapag ganoon? So, yeah, I blocked them.
Naniniwala ako na kapag tunay ang pag-ibig, babalik at babalik ito sa 'yo. Sa ngayon, ipauubaya ko na muna sa destiny ang lahat.

NP: Dahan by: December Avenue

--

Happy 1k reads. 💪Maraming salamat sa lahat ng nagbabasa, bumoboto at nagko-comment. Tuwang-tuwa na ako sa 1k reads, promise. I love you, guys. 😘

Ps: Kapit lang daw po kayo sabi ng #LizKen 😂😂😂

No Good Without YouWhere stories live. Discover now