FIFTY-ONE

114 12 1
                                    

Operation: Tulungan si Ate Lizette Mag-move on
11:39 AM

Jasser: Aba, walang paramdam si Ate Liz, ah.

Seen by Mckay, Joko, Maxenne and Lance

Jasser: Aba, wala rin bang papansin sa kaguwapuhan ko?

Seen by Judea, Mckay, Lian, Joko and Raizen

Jasser: Tsk! May joke ako.

Seen by everyone except Lizette and Reyselle

Mckay: Anong joke, Kuya Jasser?

Judea: Hahaha! Mckay, naawa ka ba kay Kuya Jasser kaya mo pinansin?

Mckay: Baka maggulong, eh.

Joko: Hahaha!

Lian: Ano 'yong joke mo, Kuya Jasser?

Jasser: Ehem, ito na nga.

Joko: Bakit may pag-ehem pa? Kakanta ka ba? Joke nga 'yan!

Judea: Hahaha!

Maxenne: Hahahard!

Jasser: Ayoko na nga! Mga buwisit kayo!

Joko: Ayan, nahiya na si Jasser. Hahaha!

Maxenne: Pero inpeyrnes, halos ilang araw na ngang hindi nag-o-online si Ate Liz.

Judea: Baka may urgent na editing.

Judea: Di nga napunta dito sa amin, eh. Ilang araw na rin.

Mckay: Baka nga busy lang.

Raizen: Pero nakakapagtaka rin talaga, eh. Kahit busy si Ate, lumalabas 'yon ng bahay para di siya sobrang ma-stress.

Seen by everyone except Lizette

Reyselle: Ilang araw ng walang paramdam si Lizette?

Lian: Mag-iisang linggo na siguro, Ate Rei.

Reyselle: @Judea, puwede bang patanong sa kanila kung umalis ba si Lizette? O kung hindi man, pa-check kung kumusta siya. Thanks!

Mckay: Bakit, Ate Rei? May problema ba?

Reyselle: Wala naman... siguro.

Reyselle: Medyo worried lang ako. May iba kay Lizette ngayon, eh.

Joko: Paanong iba, Ate Rei?

Reyselle: Mula nang malaman niyang may girlfriend pala 'yong hinayupak na Ken na 'yon, parang isang beses lang siyang umiyak, then after that, parang okay na okay na siya.

Lian: Is that so bad? Hindi ba mas okay na parang okay na si Ate Liz?

Reyselle: Yes, okay naman. Kaya lang, hindi ganoon ang initial reaction ng mga taong nasasaktan. Mas normal 'yong tipong ilang araw o linggo na iiyak hanggang sa mawala ang sakit.

Reyselle: Kapag naipon sa dibdib ang sakit, mas mahirap kapag nag-break down siya.

Maxenne: Hay, kawawa naman si Ate Liz. 😞

Mckay: Kasalanan ito ng Ken na 'yon, eh. Tsk!

11:55 AM

Judea: Ate Rei, nasa bahay lang daw si Ate Liz.

Judea: Sabi ni Tita, may tinatapos daw na trabaho.

Seen by Lian, Joko, Reyselle, Jasser and Maxenne

Reyselle: Okay, thanks! 😃

Reyselle: Nga pala, nagpapadala pa ba kay Lizette ng kung ano-ano 'yong mystery sender niya?

Reyselle: Wala na kasing mga post si Lizette tungkol doon.

Maxenne: Oo, Ate Rei. Araw-araw pa ring may padala 'yong mystery sender.

Reyselle: Oh, okay. 😃

--

Reyselle Fernandez
2:44 PM

Reyselle: Oy! Lizette Ramirez!

Reyselle: Mag-reply ka!

Reyselle: Nakikita kong online ka!

Reyselle: Lizette!

Seen, 2:50 PM

Reyselle: 'Wag mo akong i-seen lang!

Reyselle: Lizette, ano ba?

Seen, 2:51 PM

What's wrong with me?

No Good Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon