SIXTY-NINE

139 9 3
                                    

Ken Alvarez
3:33 AM

Ken: Good morning, baby! 😉

Seen, 3:57 AM

Morning.

Aga mo, ah.

Ken: Eh, siyempre, maaga ka rin kaya inagahan ko rin ang gising.

Ken: Nasa bahay ka pa ba?

Yeah. Katatapos ko pa lang maligo.

Bihis lang.

Ken: Wag ka ng magbihis.

Luh? Magbibyahe ako ng nakahubad? Ayoko nga. Malamig.

Ken: Paiinitin ko.

Gago! Agang-aga kung ano-ano ang mga sinasabi mo.

Ken: Hahaha! Bakit? Ikaw yata ang malisyosa, eh.

Ken: Paiinitin ko sa pamamagitan ng pagbibigay ng jacket.

Ken: Tsk! Kung ano-anong iniisip.

Tse!

Mag-aayos lang ako.

Ken: Hahaha!

Ken: Okay. Wag ka ng masyadong mag-ayos at magpaganda, maganda ka na sa paningin ko.

Ken: I-chat mo ako kapag paalis ka na.

Okay.

Seen, 4:02 AM

4:26 AM

Sakay na ako ng tricycle.

Seen, 4:27 AM

Ken: Good. Ingat ka.

Thanks.

Ken: Magiging busy ka ba ngayong maghapon?

Baka. Kasi, nag-leave ako kahapon. So, kailangan kong habulin 'yong sa editing ko.

Ken: Ayan ka na naman sa paghabol sa editing mo. Ako ba, kailan mo hahabulin?

Tsk! Damal.

Ken: Huh? Anong damal?

Daming alam.

Ken: Hahaha! Ganoon talaga. Matalino yata ako.

Oo na lang.

Ken: O, di ba, nag-agree ka rin.

Napilitan lang. Hahaha!

Susko, ang aga-aga 'yong energy mo parang kapantay na ng Mt. Everest.

Hindi ka ba inaantok niyan?

Ken: Hindi. Kausap kita, eh.

Ken: Alam mo namang ikaw ang nagbibigay ng lakas at enerhiya sa akin.

Korniks mo talaga.

Ken: Hahaha! Totoo naman talaga.

Seen, 4:40 AM

Ken: Nasaan ka na niyan?

Naghihintay ng bus.

Puro puno, eh. Akala ko medyo luwag pagsakay kasi hindi naman Monday. No choice kundi mag-standing.

Hay, akala ko pa naman makakatulog ako sa biyahe.

Ken: Sabi ko naman kasi sa 'yo, sunduin na lang kita.

Oo na, next time.

Ken: Talaga? Sabi mo yan, ah.

Ken: Screen shot ko ito para may ebidensya. 😁

Buwisit! Hahaha!

O siya, sakay na ako ng bus. Di ako makaka-chat, masyadong siksikan.

Ken: Tsk! Ingat ka.

Ken: Pumuwesto ka sa tabi ng babae. Mahirap na, siksikan pa naman dyan.

Ken: Mag-chat ka pag nasa office ka na.

Seen, 4:45 AM

7:46 AM

Office na.

Seen, 7:48 AM

Ken: Good.

Ikaw ba, nasa school na?

Ken: Yep. Gumagawa ako ng test questions para sa prelims.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-imagine na prof ka.

Parang hindi bagay. Hahaha!

Ken: Ah, ganoon? Pinagtatawanan mo ako?

Ken: Lagot ka sa akin pag nagkita tayo.

Oh, I'm scared. Hahaha!

Ken: Sige lang, gumanyan ka.

Tsk! Hahaha!

Ken:

Ken: Okay na bang instructions yan? Hahaha!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ken: Okay na bang instructions yan? Hahaha!

Damal talaga.

Kawawa ang mga estudyante mo, kung ano-ano ang natututunan sa 'yo.

Ken: Hahaha! Ganyan ang gwapo na, creative pa.

Biglang lumakas ang hangin. Grabe!

Trabaho na ako.

At ikaw, magturo na para naman may matutunan sa 'yo ang mga estudyante mo.

Ken: Yes, Ma'am.

Ken: Papunta na rin ako sa klase ko.

Ken: Wag kang masyadong magpaka-stress dyan, ah.

Ken: I love you! 😘

Seen, 8:06 AM

Ken: Grabe, seen lang ang pagmamahal ko?

Ken: I love you pa rin ulit. 😂😘

No Good Without YouWhere stories live. Discover now