FORTY-SIX

141 16 4
                                    

Operation: Tulungan si Ate Lizette Mag-move on
10:38 AM

Joko: Napaisip lang ako.

Seen by Lance, Mckay, Jasser, Lizette and Andoy

Jasser: Aba, akalain mo nga namang nag-iisip ka pala, ano?

Lance: Hahaha!

Joko: Gago!

Andoy: O, baka magsuntukan pa kayong magkapatid, huh?

Hahaha!

Grabe 'yong pagkakasabi ng gago, ah.

Kanino ba kayo natuto niyan?

Mckay: Sa 'yo, malamang. Hahaha!

Letse!

Lance: 'Yon! Nagmura na nga.

Hahaha!

Ewan sa inyo.

O, ano na 'yong naisip mo, Joko?

Joko: Hmm, kapag pala nagkatuluyan sina Sam Pinto at Sam Milby, parehas na sila ng pangalan, parehas pa ng apelyido. Sina Sam Milby at Sam Milby pa uli. Hahaha!

Mckay: Kru kru!

Ano raw?

Hahaha!

Lance: Na-gets ko naman, kaya lang di ako natawa, eh. 😂

Jasser: Halatang pinag-isipan nga ni Joko.

Andoy: Hahaha!

Joko, mahal kita, alam mo yan.

Pero, wag ka na uling magjo-joke, huh?

Joko: Mga buwisit!

1:46 PM

Judea: Grabe kayo kay Kuya Joko.

Judea: Hahaha!

Seen by everyone except Andoy

Lian: Pero... ang corny kasi talaga, eh. 😂😂😂

Luh! Akala ko ipagtatanggol n'yo na si Joko, eh. Hahaha!

Mckay: Double kill ang nangyari. 😂

Joko: Sorry na, wala kasi talagang perfect. Corny mang mag-joke, guwapo naman.

Judea: Susko! Ayan na naman sila.

Hoy! Totoo naman. Guwapo naman talaga si Joko.

Joko: Thanks, Ate Lizette. Di ka talaga marunong magsinungaling. Hahaha!

Jasser: #Favoritism!

Hindi, ah. Lahat kayo guwapo para sa akin. Hahaha!

Mckay: Guwapo raw pero may hahaha!

😂😂😂

Judea: Ate Lizette!

Ano?

Judea: Sa inyo ba nagpunta 'yong delivery man na dumaan dito?

Ah...

Judea: So, sa inyo nga?

Judea: Sinong nagpadala sa 'yo? Anong bigay?

Raizen: Ang tsismosa talaga ni Ate Judea. Hahaha!

Judea: Wow, hiyang-hiya naman ako sa 'yo.

Lian: Totoo naman. Hahaha!

Judea: 😒😒😒

Mckay: Nawala na si Ate Lizette.

Jasser: Puntahan ko. Baka may pagkaing kasama sa idiniliver. Hahaha!

2:30 PM

Jasser: May secret admirer si Ate Lizette!

Seen by everyone except Reyselle and Maxenne

Mckay: Wow!  Talaga ba? Sino?

Lian: Malamang, hindi natin alam kung sino. Secret admirer nga, Kuya, di ba? 😂

Lance: Burn, baby, burn!

Joko: Hahaha!

Judea: Hahaha!

Mckay: Mga baliw!

Lian: Pero, paano mo nasabing secret admirer, Kuya Jasser?

Jasser: 'Yon kasing ibinigay kay Ate n'ong delivery boy, may chocolates, may marshmallows at may roses na nakalagay pa sa box para siguro di agad malanta.

Jasser: Pero wala namang nakalagay na pangalan kung kanino galing.

Ang daldal mo talaga, Jasser!

Joko: Forever tsismoso. Hahaha!

Lian: Ate Lizette! Di mo talaga alam kung sinong nagpadala?

Hindi, eh.

Mckay: Anong sabi ng delivery man? Di mo tinanong, Ate?

Tinanong ko. Kaya lang, ayaw raw ipasabi ng sender 'yong pangalan niya.

Jasser: O, di ba? Secret admirer nga!

Mckay: Baka naman isa lang 'yan sa mga tambay sa kanto? Nahihiya lang magpakilala kay Ate Lizette.

Joko: Baka nga! 😂

Mga tinamaan kayo ng lintek!

Judea: Hahahaha!

Raizen: Hahahaha!

--

Lizette Ramirez
9 mins ago

Sweet, but a little bit scary. 😂

Lian Nobles and 13 others like this

view all comments:
Mckay Nobles: Scary pero tinanggap pa rin. Hahaha!

Lian Nobles: Marshmallows is life! 😂
       | Lizette Ramirez: Yeah, right. Hahaha!

No Good Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon