FIFTY-TWO

124 12 1
                                    

Reyselle Fernandez
2:53 PM

Reyselle: What?

Reyselle: What do you mean?

Rei, bakit lagi na lang akong naiiwan?  Bakit lagi na lang akong nasasaktan?
Ano bang mali sa akin?

Reyselle: Hey! Walang mali sa 'yo, okay? Sila ang may mali. Kasi di nila alam ang worth mo. Sila ang mga gago, hindi ikaw.

I've tried to be okay. Pero ang hirap pala, Rei. After ilang days ng pagpapanggap na okay ako, saka ko na-realize na hindi pa pala talaga.

Reyselle: Hey, its okay, okay? Normal lang 'yan kasi nasasaktan ka pa.

Rei, bakit ganoon? Wala naman akong ginawa kundi pahalagahan ang mga taong mahal ko. Pero bakit nawawala pa rin sila?

Baka naman di mo lang napapansin? Baka naman may mali talaga sa akin?

Come on, tell me. Hindi ako magagalit. Gusto ko lang talagang malaman.

Reyselle: Alam mo kung ano ang mali sa 'yo?

What?

Reyselle: Sobra mong pahalagahan ang mga taong hindi naman ganoon kung pahalagahan ka.

Reyselle: Na kahit nasasaktan ka na, iniisip mo pa rin sila kahit parang ikaw lang ang nasaktan.

Reyselle: Liz, its okay to care for someone as long as they also know your worth. Hayaan mong ma-realize nila ang halaga mo.

Reyselle: Tingnan mo 'yong gagong si Gian, na-realize niya. But... he's 5 years late, so don't you dare go back to him.

Of course!

I don't love him anymore.

Reyselle: Very good!

Rei, OA ba ako?

Hindi naman naging kami, di ba? Pero kung umarte ako, daig ko pa ang babaeng nakipag-break sa boyfriend niya ng 7 years.

Reyselle: Of course not! Normal reaction lang 'yan ng mga taong nasasaktan.

Reyselle: Hindi nga naging kayo, pero minahal, or rather, mahal mo kaya masakit. Kaya kailangan mong mag-move on.

Mag-move on kahit wala namang kami. Lol!

Reyselle: Wala namang nagsabing masama ang mag-move on... kahit hindi naging kayo. Ang mahalaga, hindi mo na niloloko ang sarili mo na okay ka na, kahit hindi pa.

Hay! Tama. Salamat, Rei, ah. Kaya naman mahal na mahal kita, eh.
Lagi kang nandiyan for me. Saka, alam na alam mo kapag di ako okay.

Reyselle: Sus! Nang-uto pa.

Reyselle: Natural, best friend mo ako, eh.

Reyselle: Pupuntahan kita mamaya. Anong gusto mo?

Dadalhan mo ako ng pagkain? Yay!
Pizza at marshmallow! 😍😍😍

Reyselle: Utang mo 'yan! Bayaran mo ako kapag okay ka na.

😛😛😛

Samahan mo na rin ng hugs, ah. I really need that right now.

Reyselle: Oo na! Para namang makakatanggi pa ako.

Hahaha! Thanks, Rei. You're really the best!

Reyselle: 'Wag ka ng mang-uto!

Hahaha!

--
Ang totoo, hindi dapat ganito ang update ko. Haha! Pero dahil sa mga sudden turn of events sa buhay ko, ayan ang kinalabasan. 😂 May hugot ako diyan, pero hindi sa love life, sa friendship.

Hay! Bakit parang ang dali sa ibang tao na itapon na lang ang pinagsamahan n'yo dahil lang sa isang hindi naman ganoon kalalim na halaga? Well, I guess that's part of life. Anyway, enjoy reading. Miss n'yo na ba si Ken? Sige lang, ma-miss n'yo pa sana nang hard. 😂😂😂

No Good Without YouWhere stories live. Discover now