EIGHTEEN

152 20 1
                                    

10:23 AM

Hey!

Seen, 10:25 AM

10:27 AM

Ken: Good morning, Miss.

Ken: Ang aga mo yata ngayon.

Ken: Sobrang excited ka na siguro sa date natin bukas ng gabi. 😁

Excited ka d'yan. Hindi, 'no?

Pero... ano kasi...

Ken: What?

Puwede bang iresked natin 'yong... ahm, date?

Seen, 10:33 AM

Uy, wag ka namang mang-seen lang.

May paliwanag naman kasi ako.

Seen, 10:35 AM

Hay!

Ganito kasi 'yon...

Seen, 10:37 AM

May ibinigay sa aking editing, rush at kailangan agad matapos. 2 books ang katumbas n'on. So, I need to double time.

Kabibigay lang sa akin 'yon ng editor-in-chief ko.

Kaya nga ako maagang nagising kasi tinawagan niya ako.

Sorry. 😞

Seen, 10:40 AM

Uy! Galit ka?

We can meet naman the day after tomorrow.

Pipilitin kong matapos agad 'yon.

Seen, 10:41 AM

Sorry talaga. 😞

Ken: Di ba puwedeng sa iba ibigay ang rush na 'yon?

Huh?

Ken: Freelancer ka, di ba? So, kapag hindi fit sa time o sked mo, puwede mong tanggihan, di ba?

Yes. But...

Ken: But?

But I need it. Dagdag income kasi 'yon. Marami akong bayarin.

Saka, may iba pa yatang ginagawa 'yong ibang kasama kong outsource editors.

Since kapapasa ko lang ng natapos kong trabaho at wala pa uli akong gagawin, sa akin ibinigay.

Sana maintindihan mo. 😞

Seen, 10:45 AM

Balik sa seen lang?

Sorry na nga, di ba?

Valid naman 'yong reason ko.

Seen, 10:47 AM

Babawi ako kapag nagkita na talaga tayo. Anong gusto mo?

Ken: Sure kang ibibigay mo kung anong gusto ko?

Oo. Nangongonsiyensiya ka, eh.

Ano nga bang gusto mo?

Ken: 😏😏😏

Hoy! Ano 'yang ngising 'yan? Hindi ko yata nagugustuhan 'yan.

Ken: Bakit, ano bang iniisip mo? 😁

Wala!

Ken: Wala daw.

Ken: Malisyosa! Hahaha!

Tse!

Ano nga?

Ken: Bigyan mo ako ng signed copy ng book mo. Dalhin mo sa date natin.

'Yon lang ba? Deal.

Ken: Bakit, ano bang ine-expect mong hihingin ko? 😂

Wala!

Ken: Hahaha!

Ken: Aba, ikaw pa ang nagtataray samantalang ipinagpalit mo ako sa trabaho mo?

Ken: Madaya ka talaga.

Ken: Kung hindi lang trabaho mo ang idinahilan mo sa akin, iisipin kong ayaw mong makipagkita sa akin.

Uy, hindi, ah.

Dami mong alam!

D'yan ka na nga, magtatrabaho na ako.

Ken: Oo na, sige na. Bilisan mo para matapos mo agad 'yan.

After this, di na muna ako mag-o-online.

Iwas distraction ulit.

Ken: Sorry na agad kung nadi-distract talaga kita.

Tse!

Ken: Hahaha!

Ken: Work well. See you soon! 😘

Seen, 11:00 AM

--

Lizette Ramirez
5 mins ago

Okay, lets get it on! Mukhang kailangan ko na namang lumaklak ng kape nito.
#EroticaPaMore #BuhayEditor

Lian Nobles and 7 other friends like this
view all comments
Joko Ramirez: Ate, may Kopiko Blanca pa dito.

Reyselle Fernandez: Akala ko may date ka? Bakit mukhang magpapakaburo ka na naman sa laptop mo?

Mckay Nobles: Ate @Reyselle, money daw muna bago lalaki. Di ba, Ate @Lizette? Hahaha!

Judea Ramirez: Ate, erotica na naman? Parang nawiwili ka dyan, ah. Hahaha!

Ken Alvarez: Pakibilis, Miss. #ImpatientlyWaiting pa rin. 😉

No Good Without YouWhere stories live. Discover now