Kabanata 1

368K 3.8K 1K
                                    

If you are under 18, please don't read the story. There will be parts of the story that is not suitable for you.

This is my first story so please bear with me. There will be grammatical errors and wrong spellings. Read at your own risk.

Alyanna's POV

"I now pronounce you husband and wife." masayang bati ng judge na nagkasal sa amin.

Ito na ang pinakamasayang araw ng buhay ko! Malawak ang aking ngiti at kumakabog nang malakas ang aking dibdib sa sobrang saya! I am now Mrs. Drake Larkins!

Maluha luha ko siyang tiningnan dahil di pa rin ako makapaniwala sa nangyayari but I saw a blank expression on his face.Marahil hindi din siya makapaniwala sa nangyari? But do I need to give a damn? Ang mahalaga, akin na siya. Sa wakas.

Sisiguraduhihin ko na magiging masaya siya sa piling ko. Pagsisilbihan ko siya, aalagaan. Hinding hindi niya ito pagsisisihan. Naalala ko pa kung paano kami muling nagkita.

Flashback

"Hija, do you still remember Drake? Nakakalaro mo siya dati. Drake, this is Alyanna, your tita Emilia's daughter. Natatandaan mo pa ba siya?"  narinig kong wika ni tita Zandra.

I was checking my social media account when she said that. Tinitingnan ko kung ilan na ba nag-like at nag-comment sa ni-post kong picture kanina with the caption na 'woke up like this' pero ang totoo, nag-face powder ako at nag-lip tint. Napangisi ako nang makita ko kung gaano na kadami ang nakita kong papuri. Naka-paskil pa ang ngiti sa aking labi nang magtaas ako nang paningin at bigyang atensyon ang sinasabi ni tita.

The moment I laid my eyes at him, tumigil ang mundo ko. Ang puso ko ay  kumabog nang malakas at nahigit ko ang aking hininga. Ang mga mata ko ay siya lamang ang nakikita at parang lumabo na ang nasa paligid ko.

How would I forget him? Si Drake. Totoo ba ito? Finally, bumalik na siya! It has been 7 years nung umalis sila.Crush ko na siya simula pa nang maintindihan ko ang kahulugan ng salitang yun. Mas lalo pa siyang gumawapo!

This guy standing in front of me is the epitome of perfection. He was wearing a faded jeans and a shirt that hugs his muscular body. He is tall. Taller than the last time I saw him. About 6ft or so. He was wearing a man bun with a black piercing on both of his ears. And when my eyes settle on his blue eyes that reflect the color of blue sky, I felt my knees buckled even I'm sitting on a chair.

And he looks so sexy with the smirk on his lips. Smirk? Why is he smirking?

"Anak, isara mo ang bibig mo. Baka pasukan ng langaw. " Bulong sa akin ni mama at don ako nahimasmasan. Gahddd! Kaya pala nakangisi siya. Nakakahiya!!!

"Hi Aly. It's been a long time." tipid niya sabi habang may ngisi pa rin.

"H-hi. H-how have you been?"nauutal kong sabi habang nakayuko at alam kong namumula ako. Hiyang hiya talaga ako. Mahinang tumawa si tita Zandria. Hindi man siya nagsasalita, nakikita ko ang nanunudyo niyang mata.

"Mukhang may dalaga ka na, Emilia. At napakagandang bata! Dalagita ka pa nung umalis kami. How old are you na, hija?"tanong ni tita Zandria sa akin.

"Nineteen na po ako." At ready na pong maging kabiyak ng anak nyo. Gusto ko sanang idagdag. Kalma self.

My mom and tita Zandria were best of friends pero nagkahiwalay sila nang pinili nina tita na mag-migrate sa U.S. And God knows kung pano ako sobrang nalungkot nung umalis sila.

Sa facebook ko na lang sila nakikita but Drake rarely upload pictures at nakukontento na lang ako sa tagged pictures nya. I sent him messages before but he barely respond. Minsan pa, di na-si seen dahil alam kong napaka-busy nyang tao. Kaya tumigil na lang ako.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now