40 - New Beginning

669 10 1
                                    

Chapter 40

New Beginning

Kate was right. Kailangan ko ng magsimula muli. Masyado ng matagal ang dalawang taong paghihintay sa wala. Panahon na para ibaba ang mga pader sa puso ko, panahon na para may iba namang makapasok o makasilip man dito.

Tinawagan ko si Andy matapos ang masinsinang usapan namin ni bes. I spend the night having fun with him. Nagpunta pa nga kami sa isang sosyaling bar kung saan nag-enjoy naman talaga ako. Doon ko nga lang na-appreciate na sobrang concern sa akin si Andy. He watched over me. Halos ituring na niya akong minor de edad sa pagbibilang niya ng nainom ko.

It was so sweet of him to tell me na hindi kami pumunta doon para magpakalasing. Ang birthday wish niya sa akin ay sumaya ako at makalimot kahit saglit, granted naman ‘yung wish na ‘yun because it happened.

Ganoon na lang ba kataas ang mga pader sa paligid ng puso ko para hindi mapansin ang kabaitan ni Andy? I guess I was so drunk in love with the person who can’t even…’ napatigil ako sa naisip ko. I didn’t want to continue.

I’m sorry I was too blind not to see you.” I said with all honesty.

Sabi ko na sa’yo tigilan mo na ‘yung pag-inom e. Ang tigas kasi naman talaga ng ulo mo.” he’s driving.

Ang cute kasi e, color blue!” oo nga, lasing na ‘yung tono ko. “Anyway, can I have a new beginning with you, Andy?

Ini-snob niya lang ‘yung tanong ko at bumaba ng kotse. Binuhat pa ako, oo ata ang sagot nito? Tinusok-tusok ko ‘yung dimples niya, ang gwapo.

Sorry, ninong. ‘Di po kinaya ng powers ko. Ayaw papigil e.” Nakakaasar, parang bata kung ituring niya ako.

Aw!” tahol ko. Grabe, ang sakit ng ulo ko. Parang tinuturnilyo ang peg. Feeling ko nga may nagwe-welding pa sa kasuluk-sulukan e.

Inabot naman kaagad ni mama ‘yung pampawala ng—oh my gosh! I was drunk. Mabilisang flashback sa nangyari at ito na lamang ang naka-register sa utak ko, ‘Can I have a new beginning with you?

Hala, ma! Sino po kasama ko kagabi?” umaaray pa rin ako pagkatanong nun.

Si Andy, ‘di mo maalala? Ayaw mo raw papigil kagabi.” mas aligaga ako sa oras kaysa sa sinasabi ni mama. Alas onse na, may lunch date pa ako kay dad.

Sabi ko nga bawal manermon kapag birthday.” she kisses me on my left cheek. “Happy birthday, nak! I love you!

I love you more, ma.” I hugged her. “Grabe, ang sakit pa rin.

I love you more than your more.” Halata namang pinipigilan ni mama na sermunan ako kaya dinadaan niya sa I-L-Y.

Sorry ma, fast forward na itey!” I rushed getting my clothes and my towel. Super late na ako. “Love you!

Today is my birthday, I’ll spend it with dad. Sina ma-pa pa nga ang nag-suggest nito dahil sawang-sawa na raw sila sa pagmumukha ko. They are so loving na nagbibigay sila ng daan para makapag-quality time kami ni dad. They are the best parents I could ask for.

Doon kami kumain ni dad sa kung saan una kaming nag-date. Reminisce kami ng moments namin noong mga panahong hindi ko pa alam na siya pala ang ama ko. Nakakatuwa na lang balikan, ang sarap ngitian.

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now